Atayde at Pacquiao families sumabak sa Tiktok challenge

0
173

MAY epekto rin sa mga family celebrities ang pagsi-self quarantine.

Tulad ng pamilya ni Sylvia Sanchez. Dahil kumpleto ang kanyang pamilya naisipan ni Ibyang na mag-upload ng apps ng TikTok Challenge.

Sa video ay nagsasayaw silang buong pamilya.

Ang nakaaliw maging ang mister niyang si Papa Art Atayde ay nagsasayaw.

Nakakalokah pa ang mga komento sa socmed ni Ibyang ay hindi para sa kanya kundi para sa mabait niyang asawa dahil ganadung-ganado si Papa Art sa pagsasayaw.

Maging ang pamilya ni Senator Manny Paquiao ay sumali na rin sa TikTok Challenge.

Makikita sa video na isa isa silang mag-anak na nagti-TikTok dance.

Sobrang nag-enjoy ang mga anak nina Manny dahil ilang araw din daw nilang makakabonding ang kanilang parents. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here