Ate Vi sa Taiwan nagselebreyt ng nth birthday

0
166

KAARAWAN kahapon ng actress-politiko at Star For All Seasons na si Vilma Santos-Recto a.k.a. Ate Vi sa lahat ng nasa showbiz circle.

Tulad ng nakagawian ni Ate Vi mas ninanais niyang out of the country siya nagse-celebrate kapiling ang kanyang buong pamilya.

Pagkatapos ng family gathering saka nagbibigay ng post birthday celebration si Ate Vi para sa mga kaibigan at kanyang die hard fans.

Kahapon ay naispatan sina Ate Vi kasama ang hubby na si Sen. Ralph Rector, ang dalawa niyang anak na sina Ryan Christian at Luis Manzano plus ang girlfriend niyang si Jessy Mendiola sa Taiwan.

Talagang parte na ng Manzano-Recto family si Jessy. Ang kulang na lang sa celebrity couple ay ang marriage license para ganap ng family member ang sexy actress.

Masayang-masaya si Ate Vi sa pagdiriwang ng kanyang nth birthday.

Happy… happy birthday Congw. Vilma Santos-Recto mula sa RONDA BALITA. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here