Atimonan Quezon, COVID-19 Free pa rin!

0
236
Opinion Column ni Vic  Billones lll

NAKABIBIGLA ng malaman natin kay Sir Vic Ole na ang Atimonan Quezon, COVID-19 Free pa rin! Ito ang titulo ng kanyang ipinadalang ulat, basahin po natin: Marami ng lugar dito sa Pilipinas ang mayroong kaso ng COVID-19, na mula sa mahigpit na pagpapatupad ng ‘Enhanced Community Quarantine(ECQ) ay ibinaba na sa mas maluwag na ‘General Community Quarantine(GCQ).’

Ito ay upang dahan-dahan ng makapag-simulang muli ang mga apektadong mamamayan sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay samantalang ang ilan pang lugar at mga bayan ay nananatili pa ring nasa ilalim ng ECQ. Ang bayan ng Atimonan sa lalawigan ng Quezon ay isa sa mga mapalad na lugar na hindi naapektuhan ng ‘virus’ na Ito, bagama’t nagkaroon ng isang nag-positibo sa COVID-19, ay agad naman itong naka-‘recover’ at gumaling.

Maliit lamang ang bayang Ito ng Atimonan at marahil, dahil sa maagang pagkilos ng kanilang lokal na pamahalan sa paglaban sa ‘pandemic’ ito kung kaya’t hindi Ito naapektuhan ng paglala sa kaso ang kanilang kalusugan. Ang isa pang marahil na dahilan sa pagiging ‘COVID-19 free’ ay ang mahigpit na pagsunod at disiplina sa ipinag-uutos ng ating pamahalaan sa mga pamamamaraan, upang maiwasan ang paglaganap ng virus sa kanilang bayan.

Samantala, ang CALABARZON o ang Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon ay ibaba na sa pagiging GCQ maliban sa Lalawigan ng Laguna. Ayon sa ipinalabas na report ng Office of the Governor sa pamamagitan ni Gov. Ramil Hernandez, ang kanyang nasasakupang lalawigan ng Laguna ay nananatili pa rin sa ilalim ng ECQ hanggang May 31, 2020, ayon Ito sa rekomendasyon ng IATF(Inter Agency Task Force). Ito ay sa kadahilanang mataas pa rin ang ‘results’ ng kanilang ‘intensive contact tracing.’

“Hindi ko ginusto na manatili ang patuloy na pag-iral ng ECQ dito sa ating lalawigan, kundi Ito ay isang kautusan na dapat nating sundin para na rin sa kapakanang pangkalusugan ng mas nakararami nating kababayan” pahayag ng butihing gobernador ng Laguna sa kanyang nga mamamayan. – Vic ole

Tsk! Tsk! Tsk! Ang naging agaran na pag-apula sa anumang banta ng nakamamatay na ‘virus’ ang kanilang naging sandatang hakbang upang malabanan ang pananalasa ng nasabing salot. Salamat Sir Vic Ole.


AGAD na pinulong ni Mayor Arthur Robes ang kanyang mga pangunahing kawani ng Pamahalaang Lungsod, upang suriin at paghandaan ang pagsasailalim ng Lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan, na mapabilang sa General Community Quarantine (GCQ.) Ang paghahanda ay upang maisaayos ang kapakanan at kagalingan ng mga San Josenios. Batid naman ng lahat na ang Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ni Robes, ay lagiang nakaantabay sa mga kaganapan sa buhay ng kanilang nasasakupan. Ang nasabing preparasyon ay kanilang isasagawa sa oras na maitupad ang GCQ.

Tsk! Tsk! Tsk! Ang ‘proactive approach’ ay siyang tamang hakbang mula sa mga pinuno. Ang nasabing pulong ay ginanap kamakailan na dinaluhan nina Dr. Dennis Booth, City Administrator at dalawa pa. Mabuhay kayo dyan sa Lungsod ng San Jose Del Monte! (RONDA BALITA Online)

Previous articleNew Normal Policy, Isinusulong sa Kamara!
Next articleBulacan under MECQ until May 31
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as Consultant for Media Affairs, for City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. Until now, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing weekly column for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times; Associate Editor/Columnist for KLIMA Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here