Home National News Babaeng estudyante sa Ilocos Norte, nawawala

Babaeng estudyante sa Ilocos Norte, nawawala

17
0
SHARE

LAOAG CITY — Nagpunta sa himpilan ng pulisya sa Banna, Ilocos Norte ang isang mister nu’ng Lunes (Enero 7) para ipagbigay alam na apat na araw nang nawawala ang kanyang 16 anyos na anak na babae.

Ayon kay Mr. Christopher Agliday ng Brgy. Catagcatagen ng naturang bayan, noong pang January 3 nagpaalam ang kanyang anak para magpunta sa eskuwela pero simula noon ay hindi na ito umuwi ng bahay at hindi na rin makontak ang selpon nito.

Ang nawawalang babae na may may taas na 5’2” ay si Kristel Mae Agliday, Grade 10 student sa Banna Academic Incorporated na ayon kay Mr. Agliday ay nakadamit ng t-shirt na maroon at naka-pantaloon noong umalis ng bahay.

Nananawagan si Mr. Agliday sa sinoman na nakakita o sa sino man na kumukupkop ngayon sa kanyang anak na sana ay pauwiin na nila para maibsan na ang kanilang matinding pag-aalala sa pagkawala ni Kristel Mae Agliday. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleBulacan crime volume declines 45% in 2018
Next articleWanted person, huli sa Ilocos Norte
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here