Babaeng HVT arestado sa P680k halaga ng shabu sa Angeles

0
127
Ang drug suspect na si Rea Despabiladeras (nakaposas) matapos masakote ng Angeles City police sa isang buy-bust operation. (Kuha ni Jose Erwin Bunag)

ANGELES CITY, Pampanga — Bumagsak sa kamay ng mga pulis ang isang sinasabing notoryus na tulak ng shabu nang masakote at makumpiskahan ng nasa P680,000 halaga ng droga sa isinagawang drug bust operation sa naturang lungsod nu’ng Biyernes (Jan 10).

Ang ebidensiyang shabu na may bigat na 100 gramo na nakuha sa drug suspect. (Kuha ni Jose Erwin Bunag)

Ang suspek na itinuturing na high-value target (HVT) ng Angeles City Police ay kinilalang si Rea Despabiladeras, 37-anyos, at residente ng Diliman, Quezon, City.

Base sa ulat ni PCol. Joyce Patrick Sanggalang, City Director ng ACPO, tinatayang nasa 100 gramo ng shabu ang nakumpiska sa suspect na dumadayo sa lungsod ng Angeles City at karatig lugar.

Sasampahan ang suspect ng kasong paglabag sa Section 5 and 11 article II of RA 9165 at siya ay nasa kostodiya ng Angeles City Police Office. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here