Home National News Babaing tulak sa Ilocos Sur, huli sa buybust

Babaing tulak sa Ilocos Sur, huli sa buybust

10
0
SHARE

VIGAN CITY — Isang 21-anyos na babae ang nahuli sa isinagawang buybust operation nung Sabado (Nov. 3) sa Brgy. 2 sa naturang lunsod.

Ang suspek ay kinilala ng Vigan-PNP na si Clarise Arce y Mendez ng Brgy. 9, Vigan City.

Tatlong sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ang nakuha mula sa suspek. Ang isa ay ang nakuha sa kanya nang mag-aabutan sila ng police asset na nagpanggap na buyer habang ang dalawa pa ay nakuha nang kapkapan ang suspek.

Maliban sa tatlong sachet na nakuha ng mga pulis mula sa suspek, nakuha rin mula sa bulsa ni Arce ang Php 500 na buybust money na gagamitin bilang karagdagang ebidensya laban dito.

Ang suspek ay nakakulong ngayon sa Vigan City Police Station. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleResponder’s Day, isinagawa para kilalanin ang kasipagan ng mga rescue teams
Next articleBahay sa Ilocos Sur, natangayan ng P1 milyon
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here