Bagong barangay hall ng San Marcos, pinasinayaan

0
80

CALUMPIT, Bulacan — Pinasinayaan kamakailan ang bagong barangay hall ng San Marcos sa pangunguna ni Mayor Jessie P. De Jesus at Kapitan Jimmy Bernardino.

Ang pagbabasbas at pagpapasinaya ay katuparan para sa mga residente ng naturang barangay.

Ito ang naging bunga ng matibay na pundasyon dahil na rin sa mabuting ugnayan at respeto ng Pamahalaang Bayan ng Calumpit at sa mga bumubuo ng Sangguniang Bayan sa pakikipagtulungan ni Kap. Jimmy at bumubuo ng Sangguniang Barangay.

Makikita sa larawan ang pormal na paggupit ng laso ni Mayor Jess at Kapitan Jimmy na sinaksihan ng mga halal ng bayan at mamamayan ng Barangay San Marcos.

Ang blessing at inauguration ay pinangunahan ng pagbabasbas ni Rev. Fr. Erick Bagay, Kura Paroko ng San Marcos Parish. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here