Bagong bihis ang Kapitolyo

0
232

KAHANGA-HANGA ang bagong anyo ng gusaling panlalawigan ng Bulacan at ang isa sa mga pagbabago na nagmarka sa aking isipan ay ang larawang nakita ko sa Facebook, ang pagbabalik ng mural sa dati nitong kalagayan.

Noong ako ay medyo bata pa, minsan akong napagawi sa kapiltolyo noong ang kalagayan ng mural ay nasa dinding sa harap ng hangdanan na paakyat ng ikalawang palapag ng capitol building.

Pero nawala sa dating kinalalagyan ang mural at inilipat doon sa gusali ng panlalawigang museo. Ngayon ay naibalik na ang mural sa dati nitong kalagayan, masaya na marahil ang mga pintor na gumuhit ng naturang painting kung sila ay nabubuhay pa sa panahong ito.

Maraming nabago sa gusali kaya kung personal kong pupuntahan ang kapitolyo ay maninibago ako. Sa ngayon ay sa mga litrato ko lang nakikita ang magandang kaayusan ang ating capitol building.

Ang lahat ng ito ay dahil sa pagsisikap nina Gov. Willy Sy Alvarado at Vice Gov. Daniel Fernando. Iyan ang magandang legasiya na inyong maipamamana sa mga Bulakenyo ang maganda at maayos na gusaling pampahalaan.

Kung ang kabuuan ng gusali ay maayos na, may mga gusali pa na isasaayos tulad ng panlalawigang kainan na naiwan na ng kalsada mula na ang kakalsadahan sa palibot ng capitol compound ay itinaas dahil sa pagbaha na malimit mangyari sa Malolos.

Kaya mapalad ang susunod na gobernador na mahahalal sa darating na midterm election dahil sa bagong bihis na gusaling pampamahalaan sa kapitolyo ang kanyang magiging luklukan ng kapangyarihan.

Pero sana naman ay hindi lang sa kapitolyo makita ang pagbabago kungdi sa mga provincial road. Maraming kalsadang probinsiyal ang nangangailangan ng rehabilitasyon. Sana ay mabigyan ito ng pansin ng Provincial Engineers Office.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here