Home National News Bagong opisina at passport-on-wheels, ikakalat ng DFA

Bagong opisina at passport-on-wheels, ikakalat ng DFA

2561
17
SHARE

NAGLABAS ng anunsyo si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano sa publiko na magbubukas ng mga bagong opisina at magpapakalat ng mga mobile passport processing units ang naturang kagawaran upang mapagaan ng problema sa passport appointment.

Aniya, kasabay ito ng inilunsad na 10 taong validity ng mga pasaporte simula ngayong Enero 2018 sa isang seremonya sa DFA-Office of Consular Affairs sa Parañaque City kung saan pormal na isinabatas ang pagpapalawig sa validity ng Philippine passport ng mula limang taon hanggang sampung taon na pinagtibay naman ito ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Agosto 2017.

Inihayag din ni Kalihim Cayetano na magbubukas ang DFA ng mga bagong regional consular office ngayong taon sa San Nicolas, Ilocos Norte; Santiago, Isabela; Malolos o Meycauayan sa Bulacan; Calamba o San Pablo City, Laguna; Dasmariñas City, Cavite; Antipolo, Rizal; Oroquieta City o Ozamis City; Misamis Occidental; at Tagum, Davao del Norte.

Magpapakalat din ang DFA ng apat na trak para sa mobile passport processing o “passport-on-wheels” at kung kaya ay may kakayahan na ang kagawarang ito na magproseso ng mula 9,000 na pasaporte na inaasahang magiging hanggang 15,000 kada araw.

May mga karagdagang slots online ang binuksan din ng DFA para sa passport appointment mula ngayong Enero.

Binanggit din ni Cayetano na hanggang tatlong buwan lamang muna ang binubuksan ng DFA habang kanilang inaayos ang isang e-payment system at sinasala ang mga pekeng appointment.

May 50,000 pekeng appointment ang nakansela ng naturang kagawaran kaya naman nakapagbukas ito ng mga bagong slots, base sa kanilang tala.

Binigyang-diin pa nito na tinanggal na ng nasabing kagawaran ang dating sistema ng pagbibigay ng slots para sa travel agencies at kanyang hinihimok ang mga aplikante na isumbong sa kanilang tanggapan ang sinumang mapag-alamang magbebenta pa ng appointment.

Ipinaalaala rin nito na kabilang ang mga overseas Filipino workers (OFW) na may dalang katibayan sa mga maaaring mag-walk in, maliban pa sa mga senior citizen, at persons with disability.

Plano ring ilunsad ng DFA ang isang call center at mobile application upang tugunan ang mga usapin na may kinalaman sa pagpoproseso ng pasaporte. (RONDA Balita Online News)

17 COMMENTS

  1. pls lang po need talaga marenew …dati pipila ka maghapon pero may magandang resulta naman na makakkuha ka agad pero ngayon bakit nagkaganyan sestema…

  2. Makapagtanong na po… kelan po magkakaroon ng Passport on Wheels schedule ngayon buan ng Pebrero o at sa Marso dito po sa Malolos, Bulacan? Salamat po

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here