Home Top Story Bagong silang na sanggol, natagpuang patay sa Bulacan

Bagong silang na sanggol, natagpuang patay sa Bulacan

32
0
SHARE

SANTA MARIA, Bulacan — Isang walang nang buhay na sanggol na nakasilid sa isang bag ang natagpuan sa Brgy. Bulac sa naturang bayan nu’ng Biyernes ng umaga.

Natagpuan ng basurerong si Rommel Ballaser ang sanggol sa isang madamong bahagi sa gilid ng kalsada bandang alas-7:30 ng umaga.

Nangongolekta umano ng basura si Ballaser at kasama nito ng kanilang kunin at tingnan ang laman ng bag at laking gulat nila na patay na sanggol ang kanilang nakita.

Habang Nangongolekta umano ng basura si Ballaser at kasama nito sa nabanggit na barangay ay isang dilaw na bag ang kanilang nakuha at laking gulat ng makita na sanggol ang laman nito.

Agad silang nagpatawag ng kapulisan upang maimbestigahan ang lugar at ang sanggol.

Nagpatawag na rin ng punerarya ang otoridad upang mabigyan ng marangal na libing ang sanggol.

Panawagan ni Bernie Gojo Cruz, Barangay Captain ng Bulac sa ina ng sanggol ay sana ay binigyang ng magandang libing ang anak nito na hindi basta na lamang na iniwan at inabandona.

Posibleng umanong itinapon lamang sa lugar ang sanggol ayon sa kapitan.

Ayon pa sa kapitan na papabendisyunan muna nila ang sanggol sa simbahan bago ilibing sa sementeryo ng bayan ng Santa Maria. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here