Bagong uwing OFW sumalpok sa poste, tigok!

0
111

BULAKAN, Bulacan — Patay ang isang motorcycle rider na kakauwi pa lamang mula sa ibang bansa matapos aksidenteng sumalpok sa poste ng kurbadang kalsada kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang namatay na si Venick Quintos, 23-anyos, residente ng Brgy. Sta.Ines ng naturang bayan.

Sa naging panayam ng RONDA BALITA Online kay Sta. Ines Brgy. Chairman Rogelio F. Galvez Jr., nangyari ang aksidente bandang alas-3 ng madaling araw sa kahabaan ng Brgy. Bagumbayan.

Anito, dumating sa bansa ang biktima kamakalawa ng bandang alas-3 ng hapon na nagtatrabaho bilang waiter sa Dubai

Masaya itong nakipagkita sa kanyang mga kaibigan kaya nagkaroon ng konting inuman hanggang sa magkayayaan kumain sa kalapit na convenient store sa kanilang bayan.

Hanggang sa umuwi sila ng dalawa pang motorsiklo sakay ng mga kaibigan nang humataw ang biktima sa kurbadang lugar at aksidenteng sumalpok sa poste.

Agad na dinala sa kalapit na emergency hospital subalit wala na itong buhay ang biktima.

Sinasabing maraming naaksidente sa kurbadang lugar ani ng Kapitankaya kinakailangan ng ibayong pag-iingat. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here