Home National News Bahay ng abogado sa Ilocos Sur, tinira ng mga kawatan

Bahay ng abogado sa Ilocos Sur, tinira ng mga kawatan

92
0
SHARE

STA. LUCIA, Ilocos Sur — Umaabot sa halagang P70,000 ang natangay ng mga hindi nakilalang mga kawatan matapos na pasukin at pagnakawan nila ang bahay ng isang abogado sa bayang ito Huwebes ng gabi (Nov. 8) habang nasa kasarapan ng pagtulog ang may-ari.

Bandang alas-11:30 ng tanghali nung Biyernes (Nov. 9) nang tumawag sa Sta. Lucia-PNP si Atty. Christopher Rubang, 43-anyos, may asawa, ng Brgy. Catayagan ng naturang bayan.

Sinabi ng biktima na nagising siya bandang alas-3:30 ng madaling araw at may gagawin sana siya sa kaniyang laptop pero nang hanapin niya ito ay wala. Dito napansin ng biktima na sira ang lock ng sliding window sa kanyang kuwarto.

Maliban sa laptop na may halagang aabot sa P60,000, 2 Nike rubber shoes na nagkakahalaga ng P8,000; Samsung Cellphone at cash na P1,000 ang natangay ng mga kawatan. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous article3 mangingisda huli sa illegal fishing sa Ilocos Sur
Next articleMurder suspect nabbed in Meycauayan City
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here