Bahay ng mamamahayag sa Bulacan, ‘sinalakay’ ng mga pulis

0
2418

MALOLOS CITY, Bulacan — Sinalakay ng mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit ng Bulacan Police Provincial Office (Bulacan PPO) ang bahay ng isang beteranong mamamahayag sa lalawigan nitong Miyerkules ng hapon sa Felicisima Village, Brgy. Mojon dito sa nabanggit na lungsod.

Ang pakay ng mga kapulisan au isang Oliver Paul Mauricio, anak na nasabing journalist na si Orlando Mauricio, correspondent ng Manila Standard at Editor-in-Chief ng MetroNews, isang local newspaper sa lalawigan ng Bulacan.

Bitbit ng nasabing raiding team ang dalawang search warrant na inisyu ni Hon. Presiding Judge Nemesio Manlangit ng Municipal Trial Court ng Lungsod ng Malolos para sa illegal possession of firearms para sa mga baril na caliber 9MM, caliber .45 pistol at 25 revolver na pawang nasa pag-iingat umano ng batang Mauricio.

Makaraan ang dalawang oras na paghalughog ng 20 pulis, tanging dalawang gunting; isang lighter; isang small burner; isang gamit ng aluminum foil na may palatandaang ginamit sa paghitit ng shabu; limang pirasong nilamukot na aluminum foil na nasa loob ng kettle box at isang jumbo roll ng aluminum foil ang narekober ng mga otoridad sa raid.

Ayon kay Mauricio, “planted” ang mga nakuhang ebidensya ng mga otoridad sa pagsalakay sa kanyang bahay na nakuha sa loob mismo ng imprentahan ng MetroNews, local newspaper sa Bulacan.

Naghain na si Mauricio ng criminal complaints sa National Bureau of Investigation-Central Luzon Regional Office laban sa raiding team dahil sa hindi naging makatao ang ginawang pagsalakay sa kanyang bahay.

Dagdag pang pahayag ni Mauricio na malinaw aniya na “harassment” ang ginawang raid dahil nasa 20 na pulis na hindi unipormado ang lumusob sa kanila at tinutukan siya at kanyang asawa ng baril.

“Dalawang oras muna kaming denetain at hinalughog ang buong kabahayan ko hanggang bubong at kisame ay sininop n’yo at pagkatapos ng 2 oras saka lang kayo tumawag ng accomplice n’yong barangay kagawad,” ani Mauricio.

“The serving of the Search Warrant (No. 03-2020) for illegal firearms was not only patently defective, for bearing two address, but was illegally implemented by the more than 20 heavily-armed cops who sneaked and forced their way into our property. Masyadong over-kill. After finding no firearms, the raiding teams, who kept me, my wife, apo and maid, incomunicado for almost two hours in our dining area, ‘planted’ drug paraphernalias in a table at my printing press,” ayon kay Mauricio sa kanyang post sa Facebook.

Kinondena naman ng National Press Club (NPC) ang ginawang pagsalakay ng mga pulis-Bulacan sa bahay ng lifetime member ng naturang grupo at sinabing malinaw na ito ay panggigipit.

Naglabas naman ng official statement si Bulacan Provincial Director Col. Lawrence Cajipe hinggil sa nangyaring pagsisilbi ng search warrant sa bahay ng beteranong journalist na si Mauricio.

Nakasaad dito na: “The implementation of the said court order was carried out in accordance with proper procedure. A copy of the Certificate of Orderly Search and Inventory of Seized Pieces of Evidence was issued and witnessed by Mr. Orlan Mauricio, their lawyer, and official of the Barangay.

Dagdag pa ni Cajipe, The operatives of the Bulacan Intelligence Unit firmly stand on their ground that they are just doing their job of implementing the law, no human right is ever violated and the Police Operational Procedure (POP0 of the Philippine National Police has been strictly observed. (RONDA BALITA Online) 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here