Bahay sa Candon City pinasok ng mga kawatan, iba’t ibang mga gadgets tinangay

0
160

CANDON CITY, Ilocos Sur — Umaabot sa 100,000 pesos ang kabuuang halaga ng mga natangay na gadgets sa isang bahay sa Brgy. Tablac sa naturang lungsod matapos na pasukin ng magnanakaw o ng mga magnanakaw nung Linggo (Jan. 13).

Bandang 9:30 ng umaga ng Lunes (Jan. 14) nang magreport sa Candon City Police Station ang may-ari ng bahay na si Leticia Valdez Baker, 64 anyos, may asawa ng naturang barangay.

Ayon sa biktima, bandang 7:30 ng umaga nang matuklasan nilang napasok ng magnanakaw o ng mga magnanakaw ang bahay nila.

Sinabi ng biktima na matapos nilang bumangon sa higaan ay napansin nilang wala na ang kanilang mga gadgets gaya ng Ipod, Samsung Galaxy S4, ASUS at Lenovo cellphone.

Maging ang binocular telescope ay tinangay din ng magnanakaw o ng mga magnanakaw.

Sa imbestigasyon ng Candon-PNP, lumilitaw na ang magnanakaw o mga magnanakaw ay malayang nakapasok sa loob ng bahay mula sa main door habang nasa kasarapan ng pagtulog ang mga biktima.

Nabatid na matagal ng nakagawian mga nakatira sa bahay na iwang hindi naka-lock ang pintuan ng kanilang bahay kapag matutulog sila sa gabi. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here