Home Kakampi Ng Masa Bakit kaya no pansin ng PNP Provincial director ang Bulacan media?

Bakit kaya no pansin ng PNP Provincial director ang Bulacan media?

127
0
SHARE
Opinion Column by Thony DP Arcenal.

LABIS na nagtataka ang mayorya ng Bulacan media partikular ang mga nagko-cover sa trabaho ng Camp Gen. Alejo Santos.

Sa mahabang panahon na pagko-cover ng mga police beat ng mga mamamahayag, sa panahon lamang ni PD Police Senior Supt. Chito Bersaluna naganap ang hindi nito pagbibigay ng importansya sa mga media na naglalabas trabaho ng mga pulis.

Ayon nga sa huntahan sa barberya ni Ka Baste na ningas kugon lamang umano ang unang pagpapatawag ni Bersaluna sa mga media noong bagong salta ito sa lalawigan ng Bulacan kung saan nagbigay sya ng piging kasama ang ilang Chief of Police.

Mula sa kanyang dating assignment sa Caloocan City kung saan napatay ang 17-anyos na si Kian delos Santos dahil umano sa illegal drugs at kalaunan nga mga igan ay napatunayan ng hukuman na may sala ang ilang pulis na dati nyang mga tauhan ang sangkot sa karumal-dumal na pamamaslang.

Kung hindi po tayo nagkakamali buwan ng Mayo nang ma-promote bilang Acting PD si Sir Bersaluna.

Sa paglipas ng mga buwan dahil sa sunud-sunod na accomplisments sa operation tokhang, tila nakuha ni sir ang mayorya ng LGUs.

Subalit ang malungkot mga ’igan sa kabilang ng kinang ng kanyang mga name plates at tsapa, tila nakalimutan ni PD Bersaluna na katulong nya ang Bulacan media sa muling pag-angat ng kanyang pangalan.

Well, hindi naman natin masisi ang magaling na opisyal dahil mas gusto niyang magpa-interview sa mga Manila beat reporter.

Marahil wala talagang amor si PD Bersaluna sa Bulacan media kaya mas pabor siya na palaging may exclusive ang mga kaibigan nyang mamamahayag mula sa Maynila.

Kaya nga natapos ang taong 2018 ay hindi naalala ng nasabing PD ang mga writer na naglalabas ng papuri sa kanilang mga trabaho.

Masuwerte mga ’igan itong si PD Bersaluna dahil sya lamang sa mga naging provincial director ang nakagamit ng Hiyas Convention center noong kanyang kaarawan.

Ano nga kaya ang dahilan ng pagiging matamlay sa Bulacan media ni PD Bersaluna? May pagkukulang ba ang mga mamamahayag sa kanyang liderato?

Anyway, abangan natin ang mga susunod na kabanata,

Para sa inyong mga reklamo at reaksyon mag send lamang sa thony.arcenal@gmail.com (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here