Home Katropa Rumoronda Balikbayan boxes mula sa USA, may butas at punit ng makita sa...

Balikbayan boxes mula sa USA, may butas at punit ng makita sa NAIA

37
0
SHARE
Opinion Column ni Vic  Billones lll

BIGYAN pansin natin ang inilapit na problema ng isang balikbayan sa inyong lingkod, narito po ang ulat na ating inilabas sa Social media: Isang Ginang na balikbayan ang nabigla ng makita niya ang kanyang dalawang balikbayan boxes sa konbeyor ng Terminal 1, Ninoy Aquino Internastional Airport (NAIA,) Martes ng gabi, ika-18 ng Hunyo, 2019, ay may butas na malaki sa tagiliran, pagot ang mga tali nito na nakapalibot sa naturang karton, gayundin ang isang box na binuksan at tinapalan na lamang ng ‘transparent plastic tape,’ linagay ang tali ng box sa loob ng karton at punit din ang magkabilang panig ng tagiliran ng takip nito.

Tinanong ng Ginang na kalong ang anak (hindi na natin babanggitin ang kanyang pangalan,) ang mga crew na nasa kanyang tabi habang inaahon ang mga balikbayan boxes mula sa konbeyor, na “ bakit may butas ang aking karton at punit ang tagiliran ng isa ko pang karton? Sinagot siya ng ‘conveyor crew’ na “nadaganan’ lamang po iyan.”

Dahil sa sinabi ng ‘crew’ ay nakumbinsi ang ginang na nagmula sa Los Angeles, California, USA, na tila hirap na hirap sa kalong na anak. Subalit ng dumating sa kanilang bahay at tingnan ang kanyang mga pinamiling mga regalong bagay, na nakapaloob sa balikabayan boxes ay wala na doon. “Ang mga biniling damit na ipinangako ko sa aking mga kamag-anak ay naglaho,’ hinagpis ng nabanggit na Ginang.

“ Isa pang insidente sa loob ng NAIA, ay ang paghikayat na ‘crew’ doon na tutulungan akong dalhin ang aking mga gamit palabas, kaya lang magbabayad ako ng ‘four dollars’ sa kanila. Itinuro niya ang ‘booth’ kung saan ako magbabayad. Nagbayad ako, pero noong andoon na kami sa hintayan sa labas, iniwanan na lamang ako ng kusa.”

Ayon sa ibang nakakita ng binutas at pinunit na mga kahon, ‘akala namin wala ng ganyan sa NAIA!”

Tsk! Tsk! Tsk! Mga walang kaluluwa at mga mandarambong ang gumawa nito. Kahit mahigpit pa ang batas laban dito, patuloy pa din sa gawaing masama ang ilan.Dapat ay maglagay ng CCTV Cam sa mga konbeyor, kung saan inilalagay ng mga ‘crew’ ang kahon na pagaari ng mga pasahero. Tanong natin bakit patuloy ang ganitong kawalanghiyaan at kasamaan ng ilan? Mga walang budhi, mga bagay na pinaghirapan at pinag-ipunan ng isang manggagawa sa ibayong dagat, ay nanakawin ng gayun-gayon na lamang? Sana magawan ng aksyon ang bagay na ito, ng sa gayon ay tuluyang mawala at hindi maparisan ang mga ganitong gawain. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here