Home National News Baliwag, ‘back to back’ winner sa DICT E-Gov awards

Baliwag, ‘back to back’ winner sa DICT E-Gov awards

11
0
SHARE

BALIWAG, Bulacan — Muling nag-kampeon nasabing bayan sa katatapos lang na Digital Cities Philippines Awards for Best Practices in eGovernance para sa Baliwag Information Profiling System (BIPS) para sa kategoryang Government Inter-Operability (G2G) at nagwagi naman sa ikalawang pwesto ang Baliwag High FVE Mobile App para sa kategoryang Global Competitiveness (G2W).

Pinangunahan ni Mayor Ferdie V. Estrella at Baliwag Municipal Information and Communication Technology Office (MICTO) Head Brainard Ardoña ang pagtanggap ng mga parangal noong ika-13 ng Oktubre, 2018 sa Philippine International Convention Center (PICC).

Ang Baliwag High FVE Mobile App at BIPS na proyekto ng Baliwag MICTO ay naglalayon na mas mapabilis ang transaksyon at daloy ng impormasyon hindi lamang sa loob ng lokal ng pamahalaan kung hindi para rin sa mga Baliwagenyo sa tulong ng teknolohiya.

Ayon kay Mayor Estrella, labis ang kaniyang kasiyahan sa pagkapanalo ng Bayan ng Baliwag sa nasabing parangal. Dagdag niya, siya ay naniniwala na mahalaga ang tamang paggamit at integrasyon ng teknolohiya sa pamamahala kung kaya binibigyang diin sa bisyon ng Pamahalaang Bayan ang pagiging sentro ng Baliwag sa technological advancements.

Ang Digital Cities PH Awards ay isang prehistiyosong parangal na nag lalayon na paigtingin ng bawat pamahalaan sa buong bansa ang pagbibigay ng mga impormasyon sa kanilang mga nasasakupan upang mas madali nila itong matanggap at mapakinabangan gamit ang teknolohiya.

Maaring i-download ang Baliwag High FVE Mobile App sa kahit anong android phones at ito ay malapit na ring ilunsad sa Iphone Operation System (IOS) Apple upang malaman ang mga bagong balita at pangyayari sa loob ng Bayan ng Baliwag. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleVillanueva: Passage of increased service incentive leave pay a Christmas gift to hardworking Filipino workers
Next articleBilyong pekeng sigarilyo kumpiskado sa Pangasinan
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin Editor-in-Chief An ex-seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City, and graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the Aquinas University of Legaspi City. But landed in Journalism. A former Journal Group of Pub lication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) PT staffer for 17 years, simultaneously contributed to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group provincial correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here