Home Taklesa Baliwag Mayor Ferdie Estrella, tuluy-tuloy sa ikalawang termino ng paglilingkod

Baliwag Mayor Ferdie Estrella, tuluy-tuloy sa ikalawang termino ng paglilingkod

70
0
SHARE

LUMAMANG ng 21,900 boto ang kasalukuyang alkalde ng bayan ng Baliwag na si Mayor Ferdie Estrella laban sa kanyang mahigpit na katunggali na si dating Mayor Carol Dellosa.

Ibig lang sabihin nito ay mas nakararaming Baliwagenyo ang nais na ipagpatuloy ang kanyang magandang nasimulan mula sa botong 50,910 laban sa 29,010 ni Dellosa.

Maituturing na landslide victory ang naging resulta ng botohan sa pagkakuha ni Mayor Ferdie ng 62% na boto o mahigit sa kalahati mula sa kabuuang 82,294 boto sa buong munisipalidad. Ito ay isang magandang patunay sa tiwala at kumpiyansa ng kaniyang mga kababayan sa kalidad ng kaniyang serbisyo at pamamahala.

Maganda ang ipinakita ng batang alkalde sa kanyang mga kababayan kaya ganun na lamang ang suportang ipinakita ng mga ito. Halos lamang sa lahat ng barangay si Mayor Estrella.

Hindi rin umepekto ang naganap na vote-buying sa nasabing bayan dahil sa mahigpit na pagbabantay ng mga Baliwagenyo.

Kaya tuluy-tuloy ang paglilingkod ni Mayor Estrella sa kanyang ikalawang termino at kung ano ang nasimulan nito sa kanyang unang termino at mas dobleng paglilingkod ang ipararating niya sa kanyang mga kababayan.

Ika nga sa nakausap ni Taklesa na kapitan ng barangay sa nasabing bayan na ibinaba ni Mayor Ferdie ang mga tulong mula ng munisipyo patungo sa mga barangay na personal niya mismong dinadala katuwang ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan.

Dapat serbisyong may malasakit! Maagap, Magiliw, Mahusay, Maaasahan at Magkakatuwang ayon sa nanalong alkalde.

Kaugnay nito, marami rin ang nagpahayag ng kanilang pagkatuwa at pagpupunyagi sa naging resulta ng halalan at pagkapanalo ni Mayor Ferdie sa pamamagitan ng mga pagbati at post sa social media. Tunay ngang nanaig ang boses at paninindigan ng mga Baliwagenyo na naghahangad para sa tuloy-tuloy na Serbisyong May Malasakit ng kasalukuyang Punongbayan.

Ayon kay Mayor Estrella, ipinahayag nito ang lubos na kasiyahan at nagpahatid ng taos-pusong pasasalamat sa bawat Baliwagenyo na muling nagtiwala at sumuporta sa kanya para sa panibagong yugto ng paglilingkod. Nangako rin si Mayor Ferdie na ipagpapatuloy ang magandang nasimulan sa bayan at higit pang pag-iibayuhin ang paghahatid ng serbisyo publiko para sa mas ikauunlad ng lahat ng mamamayan ng Baliwag.

“Sa inyo pong lahat na naniwala, nagtiwala, sumama, at ngayon ay nakikiisa sa nakamit nating tagumpay – Sa inyo, mga kapwa ko Dugong Baliwag, Pusong Baliwag, maraming maraming salamat po,” ani pa ng alkalde.

Kasama rin sa mga ipinroklama si Vice Mayor Cris Clemente, kasama ang mga bagong Konsehal na bubuo sa Sangguniang Bayan ng Baliwag na sina Madette Quimpo, Atty. Enrique “Buko” dela Cruz, Dingdong Nicolas, Mabel Pascual, Willy Lapira, Lowell Tagle, Tony Patawaran, at Rodrigo Baltazar.

Hanggang sa susunod na isyu po ng RONDA Balita. Batu-bato sa langit ang tamaan ay PIKON!

Para sa ibang balita, maglog-on sa www.rondabalita.news.

Babu!

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0917 205 3350. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleHalalan 2019: Mga nanalong mayor at vice Mayor sa Bulacan
Next articleSM keeps traditional alive with ‘Halamang Dilaw Festival’
ROSETH Eleogo Reyes or RR Eleogo is one of the owners of RONDA Balita. A single mother from Bulakan, Bulacan, and formerly an account officer and columnist of NewsCore, a local newspaper in Bulacan. She also worked in quality control department of Mighty Corporation. A part-time advertising representative of Remate, a national newspaper. She served as Director of Philippine Science Journalists Association Inc. Bulacan Chapter and member of National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Bulacan Chapter. She won recently as Board of Directors of Bulacan Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here