‘Banana’ cure sa COVID-19, isang fake news

0
3884

MABILIS na nag viral ngayon sa social media ang video ng isang Australian news anchor na naghahayag na nakadiskubre diumano ng vaccine ang Queensland University sa pamamagitan ng ‘Banana’ o saging.

Kaalinsunod sa pagkalat ng mapanlinlang na impormasyong ito ay ang pagdagsa ng mga mamimili ng saging saan mang dako ng mundo, maging dito sa Pilipinas. Kaya’t nagdulot ito ng biglaang pagtaas ng presyo. Ang dating P80 na kilo ng saging na lakatan ay lumobo sa 120 to 160 ang kilo.

Makikita sa link sa ibaba ang orihinal na video mula sa official na youtube channel ng ABC News Australia. Pansinin ninyo kung paano naisakay ang impormasyon tungkol sa ‘banana’.

Ayon sa Queensland University of Australia ay totoong nagdedevelop sila ng gamot at vaccine para sa  naturang virus subalit wala umano itong kinalaman sa saging. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here