Home Rebelasyon Bangayan ng mga politiko sa gobyernong-Pinoy, parang mga artista sa sarsuela

Bangayan ng mga politiko sa gobyernong-Pinoy, parang mga artista sa sarsuela

24
0
SHARE

NAGUGULUHAN na ang isipan ng maraming mga Pilipino sa mga nangyayaring bangayan ng mga naka-posisyon ng mga lider ng bansa na ating ibinoto noon, dahil sa patuloy nilang patutsadahan at pagtatanggol sa kani-kanilang mga katwiran sa ibat ibang mga issue na kanilang kinasasangkutan, kung saan ay nagmimistula na silang mga artista sa isang sarsuwela sa entabaldo dahil sa kanilang mga dayalogo na pinagpipiyestahan naman ng mga nakababasang Facebook fanatics.

Nariyan ang isyu ng ginawang pagbawi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa amnestiyang ipinagkaloob kay Senador Antonio Trillanes, na hanggang sa ngayon ay sa senado pa rin yata nananatili dahil daw sa takot na baka bigla siyang arestuhin. Ang isyu sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin na ang itinuturong dahilan ay ang panibagong buwis na ipinatupad sa ilalim ng TRAIN Law Tax.

Ang isyu ng umano ay pandaraya ni VP Leni Robredo, na sinasabing naging dahilan ng pagkatalo ni dating Senador Bongbong Marcos Jr. nang maglaban silang dalawa sa posisyon ng pagka- Bise Presidente noong 2016 National Elections. Ang ipinahayag ni Senador Juan Ponce Enrile, na wala raw inaresto at ikinulong na mga militante sa panahon ng Rehimeng Marcos, kung saan ay nag-one on one pa sila ng batang Marcos at marami pang iba. Kabilang na rin dito ang walang katapusang isyu ng mga napapatay at nakukulong dahil sa Illegal drugs, na naging dahilan naman upang maharap sa maraming kaso ng human right violation sa International Criminal Court si Pangulong Duterte.

Anupat ang mga isyung ito ay sinakyan, sinulsulan at sinilaban ng libong bilang mga facebook users na humantong sa pagkapikon ng bawat isang personalidad na kasangkot sa mga isyu. Kayat mistula na sila ngayong mga tauhan ng isang drama sa sarswela na ang mga ginagampanang papel ay ang pagigigng mga tsismoso at tsismosa dahil sa kani-kanilang mga patutsadahang dayalogo.

Kaya nga ang tanong ng maraming mga mamamayan sa bayan ni Mang Juan, Bakit ba ang gulo-gulo na ng ating bansa ngayon. Palagi na lang silang nagbabangayan at nagsisiraan. Sino pa ba sa kanila ang dapat na paniwalaan? Bakit hindi lamang daw tutukan ng mga ito ang napakaraming problemang pinapasan ngayon ng bansa.

Ang sabi nga ng isa kong kakilala na die-hard lover ng Facebook na “Think first before you click your comments”, dahil sa isang pagkakamali ay marami ang magdaramdam na maaaring maging kaaway mo at hindi ka tantanan ng mga negatibong kumento na maaari namang ikapikon mo, na kung iyong sasagutin na sa bandang huli ikaw rin ang talo.

Kaya nga kung ayaw mong madawit sa isyu na dumaan sa iyong facebook wall, basahin mo na lang ito at huwag ka ng sumakay para magkumento, dahil tiyak na sasakyan at sasakyan ito ng iba.

Iyon lang po. God Bless po sa ating lahat

 

SHARE
Previous articleKapwa alkalde sa lalawigan ng Bulacan, naghahalikan!
Next articleSulyap sa ilang eksena sa Unang Kongreso ng Malolos
EFREN Alcantara Fischer known as “Efren Alcantara” in his pen name, was started practicing by possession as radio reporter of DZTM- AM Radio since 1969 during his college year at the Lyceum of the Philippines. He owned a program “Ang Tinig ng Bulacan” over DWRT AM Radio, “Bangon Bayan” over DWAN- TV13 with Cezar Gregorio and Lingap sa Maralita with Oscar Cruz over DZME- 1530. Until he joined as one of Radio Correspondent of RMN- DZXL Radio assigned in Bulacan where he retired after 25 years in service. He also served as TV Reporter of CLTV 36 in Region 3 and recognized four times as Best Provincial Correspondent of the year of the Bulacan Government. He was also a former newswriter of a three national daily tabloid newspaper namely Dyaryo Bongga, Text Balita and Pilipino Star Ngayon. Presently he managed and control small audio video productions.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here