Barangay at SK eleksyon, umiinit

0
1800

TINUKOY ni incoming Chief PNP na si NCRPO Police Director General Oscar David Albayalde na kanilang binabantayan ang 49 Barangay sa Metro Manila dahil mainit umano ang halalan sa mga lugar na ito partikular na diyan sa north area bandang Caloocan.

Samantala, sa parte naman ng Calabarzon, isang barangay chairman na ang pinaslang sa Mulanay, Quezon bago pa dumating ang Abril 14 na umpisa ng filing of candidacy.

Mainit na mainit na ang darating na eleksyon sa ilan probinsya dahil ilan mga governors, congressmen at mga mayors ay may mga kanya-kanya ng suporta sa kanilang mga mamanukin sa bawat barangay.

Tayo rin po ay palagiang nagpapaalala sa ating mga kababayan kung sino ang mga dapat piliin na kandidato bilang mga Barangay Chairman, Kagawad at Sk Chairman ay iyon mga huwaran at walang pansariling interes, dapat sila ay hindi mga adik, protektor ng mga pushers at mga user, hindi rin sangkot sa jueteng o ano man iligal na sugal, mga mapang-api at sigang barangay officials.

Ito ay paulit ulit na rin sinasabi at pinapaalala ng ating butihin at napakasipag na DILG Usec. for Barangay affairs Kap. Martin Diño. Bilib tayo diyan kay Usec. Diño alam niyo ba? Dahil sa sobrang workaholic ng mama na ito hayun dinapuan ng sakit.

Mabuti na lang at malakas siya kay Lord at hindi siya pinababayaan dahil sa kanyang mahalagang misyon dito sa lupa. Mabuhay ka Sir Martin Diño.

Nagpapasalamat tayo sa suporta at tulong na atin natanggap sa mga tunay na miyembro ng Volunteers Against Crimes and Corruption (VACC). Ito ay sina Sir Boy Arsenio Evangelista, Mam Pyra Lucas, Rosita F. Roque, Annie Gabito, Sir Jun Seculles, Sir Tom Orola ng Orophil Shipping Agency gayundin sa aking mga kasama sa National Press Club lalo sa aking kuya sa Media na si NPC President Paul Gutierez at mga kapatid sa pamamahayag na nagtitiwala sa akin special mention ko diyan si Presidential Task Force on Media Security Usec. Joel Egco na tunay talagang “man of his words” and “man of action” at Sir John C. Aquino dahil tayo po ay tinutulungan sa pagsasampa ng kaso sa dalawang tao na nagngangalan na Marcel Salandanan Gutierez at Precil Quine na nagtatago sa FB account na pekeng VACC Batangas dahil sa mga tinatanggap natin na mga paninira at pagbabanta sa buhay.

Maraming salamat po sa inyo mga Mam at Sir. Kayo po ay mga tunay na totoong tao nawa ay panatilihin kayong malakas at ligtas para sa inyong buong pusong serbisyo publiko.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here