Home National News Barangay kagawad arestado sa droga sa Batangas

Barangay kagawad arestado sa droga sa Batangas

1683
0
SHARE

TUY, Batangas — Nadakip ang isang barangay kagawad na sinasabing involved sa kalakaran ng iligal na droga ng mga elemento ng Tuy Municipal Police Station at ng Provincial Intelligence Branch (PIB) dito sa nasabing bayan nu’ng Huwebes.

Ang suspek ay nakilalang si Alfredo Bautista, 51-anyos, Barangay Councilor ng Brgy. Dalima sa nabanggit na bayan.

Base sa report ng pulisya dakong alas-11:10 ng umaga ng isilbi ang isang arrest warrant na inisyu ni Hon. Cristino E. Judit ng Regional Trial Court- Fourth Judicial Region, Branch 10 ng Balayan, Batangas para sa kasong Violation of Sec. 11 ng Republic Act. 9165.

Nabatid na nakatakas ang umano ang naturang kagawad ng barangay sa pamamagitan ng pagtakbo sa masukal na lugar matapos na magsilbi ng search warrant ang mga kapulisan sa bahay ng suspek nuon nakaraang taon at nakakumpiska ng tatlong piraso ng small heat sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Pansamantalang nakakulong ngayon sa Tuy Municipal Lock up cell ang suspek habang may inirekomendang piyansa na aabot sa halagang P200,000, (RONDA Balita Online News).

SHARE
Previous article3 ‘timbog’ sa iligal na droga sa Cavite
Next article2 runway ng itatayong airport sa Bulacan, matatapos sa 2022
THE author is a broadcaster and a writer at the same time-based in the province of Batangas. Started as DZRH Operation Tulong until he became a broadcaster/commentator of DZRJ 810 Voice of the Philippines and MCVO News FM. A columnist and reporter of different national and provincial newspapers such as People’s Bulletin, Police Files Tonite, and Latigo. He is also a member of National Press Club of the Philippines.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here