Home National News Barangay kagawad sa Malabon, todas

Barangay kagawad sa Malabon, todas

23
0
SHARE

MALABON CITY — Dead on the spot ang isang barangay kagawad ng pagbabarilin ng dalawang suspek sa Purok 6, Dulong Hernandez sa nasabing lungsod Martes ng umaga (Nov. 20).

Nakilala ang biktimang si Rodrigo Tambo, 40-anyos, brgy. councilor sa Brgy. Catmon sa nabanggit na lungsod.

Ayon sa nakasaksi ng insidente na si Lawrence Margallo, nakaupo umano sila sa isang balsa ng biktima ng biglang dumating ang mga suspek at pinaputukan ng sunud-sunod ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan na naging dahilan ng agarang pagkamatay nito. Mabilis namang nakapagtago ang saksi sa nakatambak na mga gulong.

Mabilis naman tumakas ang mga salarin matapos isagawa ang krimen na naglakad patungo sa di pa tukoy na direksyon.

Nagsasagawa na ng follow up investigation ang Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ng Malabon City Police Station para sa posibleng pagkatao ng mga suspek at para malaman ang motibo sa pamamaslang sa biktima. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous article12-anyos ginahasa ng pinsan sa Pasig City
Next articleLalaking armado ng kris sa Ilocos Sur, napatay ng pulis
THE author is a broadcaster and a writer at the same time-based in the province of Batangas. Started as DZRH Operation Tulong until he became a broadcaster/commentator of DZRJ 810 Voice of the Philippines and MCVO News FM. A columnist and reporter of different national and provincial newspapers such as People’s Bulletin, Police Files Tonite, and Latigo. He is also a member of National Press Club of the Philippines.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here