Home Showbiz Baron Geisler, hindi inaalis sa ‘Ang Probinsyano’

Baron Geisler, hindi inaalis sa ‘Ang Probinsyano’

35
0
SHARE

NAKATANGGAP kamakailan ng honorary title ang actor na si Baron Geisler mula sa royal family ng King Raja Mohammadmamay Hasan Abdurajak at Queen Maria Makiling Helen Fatima Nasaria Panolino Abdurajak.

Ang hari at reyna ay ang nagmana ng trono ng Sultanate ng Sulu at North Borneo.

Pinagbasehan umano ng royal family ay ang pagbibigay inspirasyon ng actor nang bumalik siya sa showbiz.

Na-meet umano ng hari at reyna ang actor sa isang birthday party.

Eksplika ni Baron, na-meet daw niya ang Raja at Queen Helen sa party ng nagngangalang Atty. Joe Villanueva, ang head pastor at CEO Shikainah and Knights of the King Circle Incorporated International.

“They called me up to the stage so I shared my testimony with everybody, kung paano ako chinange ni God and kung ano yung mga paghihirap na naranasan ko sa jail. Even my memory nasira, na-trauma, but because of submitting to God and His calling, he restored me back to sanity and I’m very grateful for that.”

Natuwa raw ang Queen and King sa kanya at the following day ay nakatanggap siya ng message mula sa secretary ng royal family.

‘King and Queen wants to give you the honorary title of Datu.’ I feel very honored and grateful,” ani Baron.

Ayon pa sa ‘Ang Probinsyano’ actor ng ma-meet daw niya ang hari at reyna ay wala siyang kaalam-alam kung ano ang estado nila sa buhay.

“I didn’t know who they were until I googled them. Wow, they owned oil. Halos lahat ng oil sa Mindanao. And for a simple guy like me, an actor, just a regular guy, na-notice nila na puwede nila ako nila gamitin to spread peace,” dagdag pa ng actor.

Samantala, pinabulaanan naman ni Baron na hindi siya nawawala o tinanggal sa longtime serye, ‘Ang Probinsyano.’

Wala rin daw katotohanan na ibinalik siya sa rehab dahil bumabalik na naman daw siya sa dating gawi.

“Not true! Fake news! Just keep them wondering, as long as we know I’m still in Probinsyano, nothing to worry. “I’m doing well. Okey na po ‘yon. Less chika, more on showing. Kita naman po sa posts natin po everyday na lumabas ako sa Probinsyano. Nakikita naman nila ako everyday sa show,” ani Baron sa isang interbyu. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleHubadera ako sa social media, pero may limits — Ivana Alawi
Next articleAng bakla at bakla — Mother Ricky
BETH Gelena was a formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section under Julie Fe Navarro for almost two decades. Beth decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become freelance and full-time showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. She is now entertainment writer of Bulgar newspaper. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here