Baron Geisler, peke ang tinanggap na titulo, biktima ng scam

0
119

NASULAT naming ginawaran umano ng honorary title ang actor na si Baron Geisler ng Sultanate of Sulu & North Borneo na lumabas nu’ng Huwebes, Sept. 11.

Kinabukasan ay may lumabas namang balita na ang ‘Datu’ award ng Kapamilya actor ay isang peke.

Kumalat sa online website ang official statement ng diplomatic representative ng Sultanate of Sulu & North Borneo ng ipost nila sa kanilang FB page ‘The Royal House of Sulu,’ na hindi lehitimo ang royal title na ibinigay sa actor dahil mula raw eto sa false pretenders.

Ang nagkaloob umano ng titulo kay Baron ay ay “both commoners with no royal blood.”

Ayon sa representative ng royal family, ang nagbigay umano ng karangalan kay Baron ay ang Royal Imperial Lupah Sug Islamic United Kingdom of Sulu & North Borneo na hindi raw nire-recognized ng Pilipinas government as one of the claimants to the Sultanate of Sulu.

Ang ginagawaran lang daw ng titulo bilang ‘Datu’ o anumang royal title ay ‘yung may mga bloodlines at linya na nagtataguyod sa pamagat na iyon.

Samu’t saring opinion ang netizens sa fake honorary title ng actor.

“I feel sad for Baron, dapat ang mga ganyang scammers, hinuhuli e!”

Ang dami naman daw na mapagtitripan, bakit daw si Baron pa na nagta-try nang magpakabuti.

“If someone didn’t make an attempt to change, huhusgahan! If someone did, ganun parin. Grabe!!!”

Ang iba naman ay naawa sa actor.

“Naaawa ako sa kanya dahil he seems honored pa naman. Madami lang talagang manloloko ngayon. The truth is, our sultanate of sulu never grants royal titles, not especially to non-muslims. Either you were born with royal blood or nakapangasawa ka ng any royal families. I’m half Tausug.”

“Nakakaawa naman si Baron. Baka ma-depress dahil sa kahihiyan at bumalik sa dating gawi. Huwag naman sana.”

Lahat ay nagdarasal na sana raw ay huwag na lang seryosohin ng Kapamilya actor ang nasabing award.

“Charge it to experienced,” ika nga. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here