Home Taklesa Barretto sisters lalong pinagulo ang bansa!

Barretto sisters lalong pinagulo ang bansa!

58
0
SHARE

MAGULO na at punung-puno na ng problema ang ating bansa. Sa droga, korapsyon, kapulisan at eto dumagdag pa itong Barretto sisters na lalong nagpagulo sa life ng mga Pinoy.

Nahahati lamang ang kuwento ng buhay ng mga Pinoy — sa pulitika at sa showbiz.

Magulo na nga ang bansa pero enjoy naman ang mga Pinoy kapag may mga bago at mga kontrobersyal na balita tungkol sa pulitika at showbiz.

Kaya, carry na lang natin ang mga usapin para lalong sumaya ang buhay nating mga Pinoy. Hehehe.

Kamakailan lang po ay nabulabog na naman ang Pilipinas sa away pamilya ng mga Barretto na ang mga pangunahing karakter ay sina Marjorie laban kay Gretchen at Claudine.

Ang away ng magkaka­patid ay nangyari sa harap ni Pangulong Rodrigo Duterte at sa burol ng kanilang ama.

Ibang klase talaga ang mga Barretto sisters. Kesehodang laitin, i-bash sa socmed, ok lang sa kanila basta’t pinag-uusapan sa apat na sulok ng bansa. Wow.

Sa kuwento ay supporting actress ang mga pamangkin tulad ni Nicole, Julia Barre­tto, at damay na si Echeverrie at iba pa.

Leading man naman itong Chinese-millionaire na si Atong Ang.

Barretto laban sa mga Barretto! Laman laban sa laman. Malaking tulong ba ito sa ekonomiya ng Bansa. Makatutulong ba ito para gumanda ang antas ng kabuhayan ng mga Pinoy?

Nag-aagawan sa mga lalaki. Nag-aagawan sa iisang laman ni Atong Ang. Walang gustong magpa­talo. Wala nang pakunda­ngan ang mga bibig.

Wala na tayong pakialam sa away ng pamilya Barretto. Eh, ganun talaga, saksakan sila ng magagan­da kaya gusto nilang nakasentro sa kanila ang sambayanang Pilipino. Pweeeee.

Ang dami nang problema ng bansa pero bakit tila ito pa ang inuuna ng mga Pinoy at higit sa lahat ng mga media.

Ano ba sa akin kung magsampalan o magsabunutan sila? Ano ba sa akin kung nahilig sila sa iisang lalake. Problema na nila ‘yun, at ang mga sarili nating problema ang problemahin natin. Buwisit!

Hanggang sa susunod na isyu po ng RONDA Balita. Batu-bato sa langit ang tamaan ay huwag PIKON pero pikon na pikon na ako sa awayan ng mga Barre­tto. Waahhh. Babu!

Para sa ibang balita, maglog-on sa www.rondabalita.news.

Babu!

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0917 205 3350. (RONDA Balita Online)

Para sa ibang balita, maglog-on sa www.rondabalita.news.

SHARE
Previous articlePDEA nagsagawa ng drug test sa mga driver, konduktor sa Pampanga
Next articleBFAR raises alarm on red tide in Bataan
ROSETH Eleogo Reyes or RR Eleogo is one of the owners of RONDA Balita. A single mother from Bulakan, Bulacan, and formerly an account officer and columnist of NewsCore, a local newspaper in Bulacan. She also worked in quality control department of Mighty Corporation. A part-time advertising representative of Remate, a national newspaper. She served as Director of Philippine Science Journalists Association Inc. Bulacan Chapter and member of National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Bulacan Chapter. She won recently as Board of Directors of Bulacan Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here