Home Ronda Patrol Bashers ni PNP Chief Albayalde sa socmed, ipatatapon sa Mindanao!

Bashers ni PNP Chief Albayalde sa socmed, ipatatapon sa Mindanao!

289
0
SHARE

NAKATAKDANG ipatapon ang 11 pulis na pinaghihinalaang mga basher sa social media sa Facebook account na Buhay Lespu kay dating NCRPO Police Director General Oscar Albayalde na ngayon ay kasalukuyang PNP Chief.

Bunsod ito sa sunud-sunod na pag-iikot ni Albayalde sa mga istasyon ng pulisya kung saan ay marami itong nahuli at naabutang mga tulog at mga hindi nagtatrabaho ng maayos sa kanilang mga area of responsibility kaya nagrereklamo ang naturang mga pulis na mga nakikisimpatiya sa kanilang mga kabaro na napapahiya daw umano ang mga pulis na nasermunan at naparusahan ng Heneral,

Kaya’t puro batikos at panglalait ang inabot ng masipag at magaling na PNP Chief sa social media at ng maupo na ito bilang pinakamataas na opisyal ng Pambansang Pulisya ay agad pinahanap niya ang mga bashers na ito na nagtatago ang ilan sa pangalan ng kanilang mga kamag-anak sa facebook at ipinatawag sa kanyang opisina.

Nakatakdang ipatapon ang mga ito sa Mindanao kung saan marami ang naglulungga na Abu Sayaf.

Oh, mga loko, duon kayo magtapang-tapangan. Doble suweldo na nga kayo marami pa kayong REKLAMO!

Kasong administratibo din ang naghihintay sa mga ito ayon sa PNP Chief. “Kung ayaw ninyo sa palakad ng mga namumuno sa organisasyon ay umalis kayo. Dapat na tapatan ninyo ang dobleng bayad sa inyo ng PUBLIKO at magtrabaho ng maayos”. Sapul!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here