Home Bulacan Local News Batang lalaki na nanghuhuli ng gagamba, lunod sa balon

Batang lalaki na nanghuhuli ng gagamba, lunod sa balon

39
0
SHARE

CITY OF SAN JOSE DEL MONTE, Bulacan — Wala nang buhay ang isang batang lalake na may edad 6-taong gulang matapos mahulog at malunod sa isang balon habang nangunguha ng gagamba sa Barangay Minuyan Proper, dito sa nasabing lungsod kamakalawa.

Base sa ulat na nakarating sa opisina ni P/Lt. Col. Orlando Castil Jr., Hepe ng pulis ng nabanggit na lungsod, kinilala ang biktima na si Rico Aquino, residente ng 175 Sapang Lamig, Brgy. Minuyan Proper, City of San Jose del Monte.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nakita ang biktima na lumulutang sa balon na wala diumanong takip bandang alas-8 ng umaga sa 136 Quarry Barangay Minuyan Proper.

Dagdag pa ni Castil, nakita ng isang Raymart Guarin, 20 anyos, residente ng nasabing lugar ang biktima na palutang-lutang sa balon.

Umaga ng maganap ang insidente ay nakita pa umano ang biktima ng tiyahin nito.

“Libangan na umano ni Rico na manguha ng gagamba para alagaan,” ani pa ng tiyahin ng biktima.

Source: Dick Mirasol II

SHARE
Previous articleMaine aminadong ’di malalampasan ang kinita ng KathDen movie
Next articleLider ng ‘Ninja Cop’ biyaheng Munti!
A team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast-paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multimedia press centers are active nowadays and the people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern digital news site whose products include newsfeeds, online news releases and advertisements and it is entitled RONDA Balita Online News.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here