Home National News Batang lalaki sa Ilocos Sur, patay sa motorsiklo

Batang lalaki sa Ilocos Sur, patay sa motorsiklo

31
0
SHARE

SAN JUAN, Ilocos Sur — Patay ang isang 6-anyos na batang lalaki sa dito sa nabanggit na bayan matapos na mabundol ng isang motorsiklo nung gabi ng Linggo (Jan. 6).

Ang biktima ay kinilala ng San Juan-PNP na Adrey Nebina Vitamog, isang Grade pupil, nakatira sa Brgy. Dardarat ng naturang bayan.

Ang aksidente ay nangyari bandang 7:30 sa kahabaan ng provincial road na sakop ng naturang barangay.

Ang motorsiklo na isang Honda TMX ay minaneho ni Niño Vite Torda, 22 anyos, ng Brgy. Solot-solot, ng nasabing bayan.

Base sa imbestigasyon, ang motorsiklo na sinasabing mabilis ang takbo ay namataang papuntang timog ng mga oras na iyon at nang makarating sa naturang lugar, dito na nabundol ng naturang sasakyan ang batang nasa aktong papatawid mula sa kanlurang direksyon papuntang silangan.

Matapos ang aksidente, ang bata na nagtamo ng grabe at maraming sugat sa katawan ay agad na dinala sa Suero General Hospital ngunit idineklarang dead-on-arrival.

Nabatid na ang driver ng motorsiklo ay nasa ilalim ng impluwensiya ng alak nang mangyari ang insidente.

Ang suspek ay nakakulong ngayon sa San Juan Municipal Police Station. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous article2 killed, 30 nabbed in Bulacan drug sting
Next article2 killed, 1 injured in Bulacan robbery
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here