Home Editorial ‘Bato’ for Senator sa 2019

‘Bato’ for Senator sa 2019

37
0
SHARE

NOON pa umuugong na tatakbo sa pagka-senador si Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa.

Kung dati ay bulung-bulungan lang, ngayon ay tila hindi na bulong dahil galing mismo sa kanyang bibig na papasukin niya ang pulitika kapag nagretiro sa susunod na taon.

Masyadong malisyoso ang pag-iisip ng mga Pinoy, at kitang-kita umano sa indayog ng katawan ng PNP chief na tatakbo nga ito. Kumikilos at nagsasalita na tila isang politiko at mahilig mangako. Hindi pa man nauupo sa puwesto ay marami ng ipinangako.

Pero masyadong maaga pa para umastang pulitiko si Dela Rosa. Noong nakaraang Lunes, sa isang pulong-pangbalitaan, sinabi niyang kapag siya ang naging Presidente, itataas niya ang suweldo ng mga pulis at pati na ang benepisyo ng mga retirado. Mana talaga sa amo niya, mahilig magbitaw ng mga salitang hindi naman kayang panindigan. Bagay nga bilang isang politiko.

Wala namang masama ang mangarap maging isang senador o kahit na Pangulo ng bansa. May karapatan ang bawat Pilipino na tumakbo sa isang malayang halalan.

Pero lubhang napakaaga para mangarap. Mas maganda kung uunahin niyang tutukan ay ang mga scalawag na pulis na sumisira sa imahe ng PNP. Maraming pulis ngayon na sangkot sa maraming krimen. May mga sangkot sa kidnapping at pag­patay, protector ng drug syndicate, carnapper, ra­pists, extortion, at kung anu-ano pang masasamang gawain.

Masyadong maaga pa para mamulitika. Ang dapat munang tutukan ng PNP chief ay ang kanyang trabaho. Tutukan ang mga pulis na “halang ang bituka” at hindi na natatakot sa mga salita niya. Kapag naisaayos niya ang mga ito, puwede na siyang maging pulitiko.

Senador Dela Rosa o Pangulong Bato!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here