Bayan ng Baliwag handa nang maging isang lungsod!

0
84

HANDA na umano ang mga mamamayan sa bayan na Baliwag para maging isang ganap na lungsod.

Dahil sa totoo lang ay sila ang tunay na makikinabang dahil nga sila ang “ultimate beneficiaries” nito.

Ayon sa butihing mayor ng Baliwag na si Mayor Ferdie Estrella, sapat na sa lahat ng kailangang qualification para maging isang lungsod ang Baliwag, ang income at ang populasyon nito ay pasado at patutunayan umano ito ng Bureau of Local Government Finance at Philippine Statistics Authority.

Mariin ding pinabulaanan ng alkalde ang mga haka-haka ng iba na kapag naging ganap na lungsod ang Baliwag ay tataas ang tax, tataas ang presyo ng mga bilihin at lalala ang peace and order situation.

Base sa paliwanag ni Mayor Estrella, “kahit ang munisipyo ay pwedeng magtaas ng tax, kailangan lang natin dito ay ang Internal Revenue Allotment mula sa pamahalaang nasyunal. Bilang component city ay nasa ilalim pa din tayo ng superbisyon ng Kapitolyo. Ang pagtataas naman ng bilihin ay dikta ng merkado at mas mapapanitili ang maayos na mga komunidad dahil madaragdagan ang bilang ng kapulisan dahil ang mga lungsod ay may minimum na isang daan.”

Sa parte naman ni Congresman Apol Pancho, nakahanda naman umano ito na susuportahan ang cityhood ng Baliwag as long as na maisagawa ang tamang proseso para maging isang city tulad ng pagkakaroon ng public consultations and forum, information dissemination, tamang bilang ng mga sang-ayon na mamamayan at higit sa lahat ay ang positibong sagot ng mga negosyante.

At kapag naisagawa umano ang lahat ng ito ani Cong. Pancho, makakaasa ng buong suporta upang maikasa ito sa kamara.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pangangampanya ng alkalde sa bawat barangay ng Baliwag, upang maipaliwanag ang kahalagahan at mga benepisyo ng pagiging siyudad ng isang bayan. .

Dapat na magtulungan sina Mayor Estrella at Cong. Pancho bilang kinatawan ng 2nd District ng Bulacan sa Kongreso kung nais nilang maipasa at maging ganap na lungsod ang Baliwag.

Yes to Baliwag City. Yes sa progreso ng Baliwag.

Hanggang sa susunod na isyu po ng RONDA Balita, ang lingguhang pahayagan ng masang Bulakenyo.

Para sa ibang balita, maglog-on sa www.rondabalita.news.

Babu!

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0917 205 3350.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here