Bayan ng Bocaue, patuloy na sa pag-unlad

0
291
An opinion column by Louie C. Angeles

MATAPOS ang ilang isang taong paghihintay ng mga bukawenyo sa pagbubukas ng bintana at pintuan ng kaunlaran ng Bocaue ay ito na ang hudyat ng pagbibigay daan sa lahat ng negosyante na pagbubukas ng kanilang negosyo na magbibigay ng hanap-buhay sa mga mamamayan.

Mula ng mabuksan noong nakaraang taon ng 2019 ang Ciudad De Victoria Interchange sa Bocaue ay nabawasan na ang pagbibigay ng trapiko sa kahabaan ng Governor Avenue sa Barangay Turo patungong Bayan ng Santa Maria na kung saan ito nagiging dahilan ng pag-aalinlangan sa mga negosyante na magtayo ng kanilang negosyo sa Bocaue dahil matinding trapiko sa nasabing lugar.

Higit pang inaabangan ng mga negosyante ang nalalapit na pagbubukas ng Taal-Tambubong Tollways kung saan higit pang magbibigay ng ginhawa sa lahat ng motorista mula sa mga karatig na bayan na mapapabilis na ang pabiyahe sa North at South Bound ng NLEX.

Ito na ang tagumpay ng Pamahalaang Bayan ng Bocaue sa patutulungan nina Mayor Joni Villanueva-Tugna, Senator Joel Villanueva, Congressman Bro. Eddie Villanueva ng CIBAC Partylist, DOTr Secretary Arthur Tugade at NLEX. Ito ang naging pangunahing proyekto para sa bawat mamamayan at negosyante na masolusyunan ang malaking problema sa trapiko sa Bocaue Tollgate.

Kaya naman hindi maiinip ang mga mamamayan lalo na sa Barangay Batia, Tambubong, Taal at Caingin kung saan maari na silang pumasok sa nasabing tollway na hindi na makakadagdag sa volume ng mga sasakyan sa bahagi ng Turo papuntang Manila at Norte.

Habang sinimulan pa lamang ang nasabing Taal-Tambubong Tollways ay may mga negosyante na namili na ng kanilang tatayuan ng negosyo sa Barangay Taal, Tambubong at Batia na maging ang halaga ng lupa sa nasabing mga barangay ay biglaang tumaas dahil sa pagkakaroon ng magandang progreso tungo sa pag-unlad ng mga nasabing barangay sa paglalagay ng tollways.

Maging mga karatig bayan ng Bocaue tulad ng Pandi at Santa Maria ay maari nang dumaan sa nasabing Taal-Tambubong Tollways. (RONDA BALITA Online)

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here