Bayani tinanggihan ang offer ng ‘Ang Probinsyano’

0
158

MARAMI ang nagtatanong bakit hindi raw nasasama ang komedyanteng si Bayani Agbayani sa number one Primetime Bida ng Kapamilya Network na “Ang Probinsyano.” Hindi raw ba siya in-offer-an?

Ayon sa komedyanteng actor sa Tonight With Boy Abunda, kung tutuusin nga raw ay ilang beses siyang nakatanggap ng tawag mula sa staff ng ‘AP.’

Dapat pa nga raw ang magiging role niya ay bilang ama ni Jessy Mendiola. Tumanggi umano dahil may teleserye pa siyang ginagawa, ang ‘Sana Dalawa Ang Puso Ko’ na pinagbibidahan noon nina Jodi Sta. Maria at Robin Padilla.

Eksplenasyon niya oras raw ang dahilan kaya nag-beg off siya. Ilang linggo ang nakalipas ay muli raw siyang binalikan ng ‘AP’ para sa isang napakaimportanteng role, pero hindi pa rin daw natatapos ang ‘SDAPK.’

Katunayan sinasabihan daw sya ng kanyang kapwa-artista na si Coco Martin ng ‘Ang Probinsyano’ tinatanggihan mo?’ Coco Martin! Alam mo kung gaano kabait si Coco Martin?

Kwento pa ni Bayani nang nagkita sila sa CR ni Coco na nagbibihis, sinabihan umano siya “Kuya Yani, sama ka sa ‘Ang Probinsyano.’ After mga two weeks, tinawagan na ako. Kaya lang nasabay yung ‘Sana Dalawa Ang Puso’ na daily rin. “Eh ang taping namin sa ‘Sana Dalawa Ang Puso,’ Mondays, Wednesdays, Fridays. Ang taping po ng ‘Ang Probinsyano’ ay M/W/F din. Hindi lang po nagkakatagpo…” (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here