BB Gandanghari ikinuwento sa YouTube ang tungkol sa kanila ni Carmina

0
175

Nagkwento si BB sa kanyang YouTube channel nu’ng June 21 hinggil nu’ng time na nagsasama pa sila ni Carmina Villarroel at Rustom Padilla.

First time na nagkwento si BB ng tungkol sa kanila ni Carmina nu’ng siya ay si Rustom pa.

Ayon kay BB, ang pinakamakasakit na nangyari raw sa kanyang buhay ay nu’ng maghiwalay sila ni Carmina bilang siya si Rustom dahil kinakailangan na raw nilang gawin.

Naghiwalay sina Rustom at Carmina nu’ng 1997 kung saan tatlong taon din silang nagsama bilang mag-asawa.

Marami nga raw ang nagtatanong sa kanya kung minahal daw ba ni Rustom si Carmina.

“Marami ang nagtatanong, minahal ko raw ba talaga si Carmina? Honestly and true, oo,” ani BB sa kanyang YT.

Sambit pa ni BB: “It’s the fact na they thought they found the right love, para kay Rustom.

“Pero hindi na rin niya ipinaglaban kasi, at that time, binibigyan nila ng pagkakataon ang sarili nila na mag-isip.

“Napakabait ng Diyos, I hope si Carmina, ganito rin ang pakiramdam. I don’t wanna be selfish about it, pero itinuturing kong blessing si Carmina sa buhay ni Rustom.”

Kwento pa ni BB ang pangarap daw noon ni Rustom ay ang magkaroon ng pamilya. At para raw sa kanya ay si Carmina ang tamang babae.

“So while the relationship was going on until they lived together as hindi sila nag-live together, nag-secret marriage…nagpakasal sila.

Habang tumatagal daw ang pagsasama nina Rustom at Carmina du’n na raw naramdaman ni Rustom na parang may kulang sa pagkatao nito.

Unti-unti na raw lumalabas ang insecurities ni Rustom bilang isang lalaki.

“Dahil siguro hindi na-resolve, itong yung sinasabi ko na this is the lesson learned here.

“Dahil sa in love and everything, akala ni Rustom, that will cover everything, pero hindi.

Hindi raw pwedeng hanapin ni Rustom ang kaligayahan sa ibang tao.”

Patuloy niyang kwento: “Rustom may be right, he may be happy with Carmina, but he wasn’t happy with himself. That’s the problem.

“Sabi ko nga, it maybe the right love, but hindi lang wrong time, but wrong body.”

Dumating na raw sa puntong nagdesisyon si Carmina na iwan siya.

“Isa sa mga pinakamasakit na panahon, you can just imagine, isang tao na pinaka-importante sa iyo, nagpapaalam.

“So Rustom was really devastated, pero hindi na siya nag-disagree.

“It was a very amicable separation, walang sigawan, walang sumbatan, pero pinakamasakit.

Doon na raw namatay ang Rustom na nakilala sa showbiz na naging mister ni Carmina..

Pero tahasan niyang sinabi na kung magiging lalaki raw siyang muli gusto niyang balikan si Carmina. Liligawan daw niya uli ang ex-wife ni Rustom. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here