Home Sports BCAA Season 5, umarangkada na!

BCAA Season 5, umarangkada na!

770
0
SHARE

MULI nang nagbukas ang 5th Season ng Bulacan Collegiate Athletic Association (BCAA) noong nakaraang Biyernes na ginanap sa Malolos Sports and Convention Center.

Dumalo ang mga estudyante mula sa iba’t-ibang kalahok na eskwelahan upang matunghayan ang simpleng seremonya na pinangasiwaan ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos.

Pumarada ang 14 na koponan kasama ang kanilang mga pambatong muses ngunit sa huli ay itinanghal na pinakamaganda at may angking karisma ng muse ng Cento Escolar University.

Muling magtatagisan ang mga atleta ng 14 na kalahok na eskwelahan sa iba’t-ibang klaseng mga isport gaya ng basketball, volleyball, badminton, chess at table tennis.

Ayon kay Malolos City Mayor Christian D. Natividad, kaya niya binuo ang BCAA ay upang magkaroon ng samahan ang mga kabataang Bulakenyo na mahilig sa sports. Ipinagmalaki rin nito na ang BCAA ay nasa ikalimang na taon na.

“Ang dating inakala ko na basketball tournament lang ay mistulang nag-transformed into a multi-sport competition sa pagkadagdag ng mga larong volleyball, table tennis, badminton at chess,” ani pa ng alkalde.

Pinasalamatan rin ni Natividad ang mga presidente at coaches ng ng mga colleges at universities sa Bulacan na patuloy na nagbibigay ng suporta upang ang BCAA ay maging isa sa mga pinaka-aabangang sporting events sa lalawigan.

Pinuri naman ng alkalde si Toti Villanueva, head ng city sports department,  at mga kawani nito “for a job well done” sa muling pag-oorganisa ng 5th BCAA games na patuloy ang paglago at pagdami ng nga schools na gustong sumali.

Ang mga eskwelahan na kalahok ngayong taon ay ang Bulacan State University, Centro Escolar University, STI Malolos & Balagtas, Bulacan Polytechnic College, Our Lady of Manaog Montessori College, Meycauayan College, Marian College of Baliuag, Jesus is Lord Colleges Foundation Inc., La Consolacion University of the Philippines, La Concepcion College, Colegio De San Gabriel Arcangel, St. Joseph College of Bulacan at Dr. Yanga’s Colleges, Inc.

 

SHARE
Previous articleBulacan, isinusulong na maideklarang Malaria-free sa 2019
Next articleTagisan ng galing sa Buwan ng mga Bata 2017 
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here