Home Showbiz Bea Alonzo at Lloydie may ‘Last Chance’?

Bea Alonzo at Lloydie may ‘Last Chance’?

27
0
SHARE

PAREHONG nag-post sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz ng kanilang picture ng ginawang food commercial na magkasama.

Sa posted pix ni Bea ay may teaser na ‘A Last Chance.’

Emote to death at with feelings ang caption na nilagay ni Bea: “matagal nang hindi nagkita at nagkasama. Pwede pa rin kayang magkaroon ng LAST CHANCE?”

Sa IG account naman ni John Lloyd ay picture kung saan malungkot siyang nakayuko habang hawak-hawak ang isang kamay ng actress.

Nakasapo naman sa kanyang noo ang isang kamay ni Bea na nakatingin sa malayo.

Komento ng avid fan ng Bea-JLC “Jusko nun nakita ko to sa IG ni Bea, sumaya talaga ako. Their loveteam is the only legit loveteam na gusto ko. And I love na never naging sila. Nakakatuwa talaga tong si Popoy at Basha. For me, it’s still the loveteam to beat.”

“Baka naman all roads lead to john lloyd and bea talaga.”

Tunay namang iba ang chemistry ng dalawang eto. Malakas ang dating nila kahit alam ng fans na reel sweethearts lang sila.

Sabagay, iconic talaga tambalan nila. Bakit hindi nila gawing pelikula na ang title ay ‘Last Chance.’ Tutal may ‘One More Chance’ then ‘A Second Chance’ so why not ‘Last Chance’ naman. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleJohn Lloyd klinaro ang role sa ‘Culion’
Next articleMaine aminadong ’di malalampasan ang kinita ng KathDen movie
BETH Gelena was a formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section under Julie Fe Navarro for almost two decades. Beth decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become freelance and full-time showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. She is now entertainment writer of Bulgar newspaper. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here