Bea Alonzo ’di na takot sa multo!

0
140

SA Gandang Gabi Vice nu’ng Sunday, sinabi ni Bea Alonzo na “Tapos na tayo sa multo. Wala na akong kinakatakutang multo ngayon.”

Tinanong kasi ni Vice si Bea “Kumusta Halloween? May nagmulto ba?”
Knowing Vice, wala siyang preno kapag tinatanong na ang kanyang mga guests.

Nagpatutsada kasi ang magandang actress sa kontrobersiya nilang hiwalayan ng ex-boyfriend na si Gerald Anderson kung saan tatlong din ang tinagal ng kanilang relasyon.

First time na nagsalita si Bea ng mahabang eksplanasyon hinggil sa hiwalayan nila ni Gerald.

Masasabi ngang naka-move on na si Bea. Dahil ang pambubuska ni Vice Ganda sa kanila ni Angelica Panganiban ay kanila na lang tinatawanan.

May binanggit pa si Bea na “siya ang dapat mahiya.”

Tanong ni Vice kung hindi raw ba sila nahihiya kapag sila ay nadapa nang dahil sa pag-ibig.

Sagot ni Bea, “Hindi naman. Tsaka na-realize ko, sila yung dapat mahiya, hindi kami.”

Si Angelica na katabi lang ni Bea ay hindi nagsasalita kahit na pinatungkulan din siya ni Vice sa tanong nito.

Dumaan din kasi sa heartbreak si Angge sa relasyon nila ni John Lloyd Cruz.

Tawa nang tawa si Bea sabay turo na ang pahayag niya ay para sa sarili at kay Angelica.

Sabi ni Angelica, “At isinama talaga ako!”

Bandang huli, sinabi ni Bea na hinding-hindi na siyang makikipagbalikang muli kay Gerald.

Pinagusapan na raw nila ni Angelica na if ever nakipagbalikan siya sa actor ay ipapasunog daw niya ang kanyang bahay. (RONDA BALITA Online)

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here