Home Showbiz Bea Alonzo may experience sa pagsuot ng ‘Darna’ costume

Bea Alonzo may experience sa pagsuot ng ‘Darna’ costume

96
0
SHARE

BAGO pala sumikat nang husto ang pangalawang Bea Alonzo ay nagkaroon ng embarrassing moment ang actress na hinding-hindi niya malilimutan,

Sa exclusive interbyu ng Kami kinuwento ng magandang actress ang karanasan niya nu’ng siya ay isa pa lang talent. Nangyari raw ito sa “Oka Tokat.” Hindi pa raw parte ng Star Magic ang aktres.

Aniya, isinama raw siya sa paranormal drama na “Oka Tokat” kung saan sinabihan siyang mag-suot ng Darna costume early in the morning.

Sinunod naman daw niya ang sinabi sa kanya, ‘yun nga lang daw ay naghintay siya ng napakatagal na oras suot ang Darna costume, pero ang kanyang eksena raw ay kinunan pa the next day.

‘Di naman daw siya nagreklamo kahit gaano katagal ang paghihintay niya. Katunayan pinagmalaki pa raw niya sa kanyang pamilya at mga kaibigan na kasama siya sa ‘Oka Tokat” but to found out na ang partisipasyon niya sa naturang programa ay na-edit out.

“Pinag ‘Darna’ outfit nila ako at seven in the morning tapos ang hirap talaga mag artista dahil wala pa ring cut off noon. 9am na, hindi pa ako nakukunan, the next day ha. Naka ‘Darna’ outfit ako the whole time,” paglalahad ni Bea.

“Embarrassing siya because pagkatapos naming mag shoot, syempre excited kami… Napagkalat ko na sa buong barangay at lahat ng kamag-anak ko na lalabas ako sa ‘Oka Tokat,’pero na-edit out yung eksena na kasama ako,” dugtong pa na ngayon ay isa ng A-1 actress.

Siguro ang na-experience ni Bea nu’ng time na ‘yun ay siya ring naging daan para kilalanin siyang mahusay na actress ngayon. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articlePapa P. pinakamagaling humalik ayon kay Arci Muñoz
Next articleGretchen pinuri ng netizens sa husay ng pagpapalaki sa anak
BETH Gelena was a formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section under Julie Fe Navarro for almost two decades. Beth decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become freelance and full-time showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. She is now entertainment writer of Bulgar newspaper. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here