Home Showbiz Bea Alonzo patuloy sa ‘recovery’ ng puso

Bea Alonzo patuloy sa ‘recovery’ ng puso

20
0
SHARE

ISA sa pinakaaabangan na maglalakad sa red carpet ay ang tatlong controversial ng Kapamilya artists — Bea Alonzo, Julia Barretto at Gerald Anderson.

Bago pa man sumapit ang ABS-CBN Ball 2019 ay vocal nang sinasabi ni Julia na hindi siya sure kung makakapunta.

Si Bea naman kapag tinatanong ay walang sagot na nakukuha.

Um-attend ang tatlong controversial celebrities at nakitang parehong walang escort ang dalawang actress.

Si Gerald na dumating ay kasama ang mga kapwa actors niya sa proyektong kanyang ginagawa.

Sabi nga ni Bea habang naglalakad sa red carpet, ‘Ngayon lang ako nag-lakad ulit mag-isa.’

Dugtong pa niya, “I just realized, after ten years, parang almost ten years, ngayon lang ako nag-lakad ulit mag-isa, and it’s actually empowering, it’s liberating and I’m enjoying it.”

Hindi rin naiwasan kumustahin kay Bea ang kanyang puso.

“I’m recovering, I’m getting better,” pahayag pa niya.

Si Bea ang wagi bilang Best Dressed sa nasabing okasyon. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleAngel Locsin, ’di sinipot ang ABS-CBN Ball 2019
Next articleApat na reyna para sa isang pelikula
BETH Gelena was a formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section under Julie Fe Navarro for almost two decades. Beth decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become freelance and full-time showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. She is now entertainment writer of Bulgar newspaper. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here