Bea ‘dyodyowain’ na si Dominic

0
80

TANTIYA namin halos pareho ang drama nitong si Dominic Roque sa pagbibigay hints ni Julia Barretto sa kanyang secret love one.

Like Julia na unti-unting nagbibigay ng hints kung sino ang guy na laging nakakasama ganun din si Dom nagpapahiwatig na rin siya sa social media.

May post si Dominic ng ilang larawan espekulasyon ng netizens ay kuha sa date night nila ni Bea Alonzo.

Ang nakalagay sa pic ay kuha sa isang Japanese restaurant sa Global City.

May picture si Dominic na nakangiti habang may hawak na chopsticks. Walang nilagay ang actor kung sino ang babaeng kanyang ka-date nu’ng araw na ‘yun.

Instead ay ipinost niya ay paa ng lalaki at paa ng babae na parehong naka-white sneakers.

Knowing na ang guy ay si Dom, but whose the girl with him? tanong nga ng mga netizen.

Bumaha ang espekulasyon na si Bea umano ang kasama ni Dominic.

“Ayaw pa nila ipost na kc magkasama sila ni bea tanggap naman namin.”

 Sa Instagram post naman ni Bea ay may solo rin siyang picture na kuha sa nasabing Japanese restaurant kung saan may chopsticks din.

 Hindi man magkapareho ang petsa ng post nila ay ‘di na nila maitatangging sila ang magka-date.

Sa latest vlog nga ni Bea nitong January 9, sinabi niyang “jojowain” niya si Dominic sa “Jojowain o Totropahin Challenge” nila ng kanyang ina. (RONDA BALITA Online) 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here