Bea namigay ng laptop sa mga bata sakay ng ‘rocket ship’

0
61

SAKAY ng rocket ship si Bea Alonzo nang dalhan ng mga laptop at goods ang mga abandonadong mga bata bilang parte ng kanyang charity groups.

Partnerships sina Bea at ang Netflix sa pagbibigay ng tulong.

Sakay ng modelong rocket ship jeepney ang aktres kung saan na-inspired niyang gawin nang mapanood niya ang animated Netflix’s movie, Over the Moon.

Sa vlog ni Bea nu’ng Sabado, ipinakita ng actress ang hugis rocket ship na jeep na napanood sa pelikula.

Sakay sa rocket ship si Bea papuntang headquarters ng SOS Philippines kung saan naroroon ang children’s villages ng bansa na nangangalaga ng mga abandonadong kabataan.

 Hindi lang laptops para sa edukasyon ng mga bata may dala rin ang I Am Hope organization sa pangunguna ng aktres at Netflix ng iba’t ibang supplies sa SOS Philippines.

Sabi ni Bea: “Now, I am aware that there are more pressing issues.”

Dugtong pa ng Kapamilya actress: “Survival must come first, especially in these trying times, but I pray that we will not lose hope.” (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here