Home EXTRAFONTS ‘Beat the heat’

‘Beat the heat’

24
0
SHARE
Opinion Column by Manny Camua Dela Cruz

NOONG nakaraang taglamig, iniinda ng ating mga katawan ang malamig na panahon lalo na kung ikaw ay ay nasa lansangan sa ‘dis oras ng gabi o sa madaling-araw.

Pero ngayong tag-init, wala ka man lang lamig na maramdaman kapag ikaw ay nasa loob ng bahay. Maliban na lamang kung mayroong aircon sa iyong kwarto o nasa loob ka ng opisina na may aircon.

Hindi ka naman pwedeng magbabad sa airconditioned room sa maghapon at magdamag dahil tiyak na lalamunin ka ng malaking gastos sa konsumo ng elektrisidad.

Kaya nagtitiyaga na lang sa electric fan ang karamihang Pinoy dito sa lowland areas dahil ang init-factor ay kalimitang nadarama sa humid na lugar hindi katulad sa Baguio City at Tagaytay City na halumigmig ang klima kapag summer.

Ang init na ating nararamdaman ay palala nang palala dahil sa nararanasang mild El Niño, sa malaking bahagi ng ating bansa. Kaya ang resulta nito ay ang pagnipis ng supply ng kuryente buhat sa National Grid Corporation, kung saan bumibili ng kuryente ang power distributors.

Bukod sa mahinang suplay ng kuryente, apektado rin ng tagtuyot ang mga pananim tulad ng gulay dahil mahina rin ang suplay ng tubig. Ang motor ng mga deepwell ay nahihirapang humigop ng tubig sa kailaliman ng lupa dahil lumalalim ang balong o water table.

Ang mga dam naman ay mabilis na nauubos ang imbak na tubig, tulad sa Angat Dam na pinagkukunan ng suplay ng tubig ng mga taga Metro Manila. Kaya malaking tulong ang ulan sa tag-araw dahil kahit paano ay nakapag-iimbak ng tubig sa kanilang mga water container ang mga consumer.

Kaya dapat na pinasasalamatan ang Diyos, dahil nang likhain niya ang buong universe, kasama ang Earth, ay hinati niya sa dalawang bahagi ang panahon: Ang gabi at ang araw. Nakapanghihilakbot ang sasapitin ng tao kung titigil sa pag-ikot ang araw ng alas dose ng tanghali.

Baka sa loob lamang ng ilang araw na hindi magkakaroon ng gabi ay malamang na matuyo ang mga ilog, pati ang dagat at kasunod niyon ang pagtaas ng antas ng klima na hindi na kakayanin ng katawan ng tao.

Sabi nga sa awitin: “He made all things beautiful in His time”. Kaya always thanks to the Lord. Eh paano naman kung puro gsbi st hindi na pasikatin ng Diyos ang araw? Tiyak na magyeyelo ang buong mundo at sa gayong kalagayan ay may mga nilalang pa kayang mabubuhay?

Karaniwang binabanggit ang beachgoers ang ganitong linya: “Beat the heat”. Wala namang masama sa paglilimayon ngayong tag-araw. Pero dapat din namang pagnilayan ang hirap at sakit na tinamo ni Jesuschrist na nagbata ng hirap hanggang sa kamatayan sa krus upang tubusin ang kasalanan ng sanlibutan.

Ngayong Lenten Season, dapat na bigyan ng oras ang naging sakripisyo ni Jesus. Hindi nakailangang saktan pa ang katawan ng mga mananampalataya. Sapat na ang taimtim na paghingi sa Diyos ng kapatawaran para sa mga kasalanang nagawa dahil ang Diyos ay mapagpatawad. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleSurvey firms, nagsusulputan na parang kabute tuwing may eleksyon
Next articleMPTCs ‘Safe Trip Mo Sagot Ko’, ready for Holy Week
SI Manny Camua Dela Cruz ay hindi nag-aral ng kursong dyornalismo, subalit naging bihasa sa pagsusulat ng balita, lathalain at sanaysay. Ang kanyang talento ay pinanday ng mahabang karanasan sa larangan ng pamamahayag: Photo journalist sa simula; kalaunan ay naging provincial correspondent ng iba't ibang mga pahayagang nasyonal, naging reporter ng national dailies sa Kamaynilaan at naging editor ng national tabloid, naging editor ng national weekly news magazine. Sa kasalukuyan ay editor/editorial consultant ng ilang provincial-based newspaper sa Bulacan, kolumnista at contributing editor/writer nitong Ronda Balita Online/Weekly Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here