Bela Padilla hindi apektado sa Neil-Angel engagement

0
257

HINDI kaila sa showbiz circle na naging girlfriend ni Neil Arce si Bela Padilla bago naging sila ni Angel Locsin.

Matagal din ang naging relasyon nina Bela at Neil, nagkahiwalay sa di malamang kadahilanan.

Hiwalay na ang dalawa nang pumasok ang movie producer sa buhay ni Angel kung saan engaged na ngayon ang celebrity couple.

Hindi naiwasang magtanong kay Bela ni @ivan.togi24 ng ganito: “How’s your heart knowing that your ex is already engaged?”

Sagot ng Kapamilya actress: “Why would you assume that I’m affected? (smile emoji). I’m happy for them (smile emoji).

Pero ang ibang netizens ay hindi kumbinsido sa sinabi ni Bela.

Anila: “By not reacting at all. She’s a celebrity. People will take it differently. She could’ve stayed silent and chose not to answer but here we are.

“Halata naman kasi affected siya, pilit lang nya tinatago. If Psychology grad kayo mage-gets nyo ibig ko sabihin.”

May mga nagsasabi naman kung hindi sasagot si Bela ay affected naman daw ito. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here