Home Showbiz Bela Padilla screenwriter ng movie nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga, ang...

Bela Padilla screenwriter ng movie nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga, ang “Last Night” 

1192
0
SHARE

TULUY-TULOY na talaga ang pagiging screenwriter ng actress na si Bea Padilla. After ng Camp Sawi  at iba pang indie movie na siya ang nagsulat heto at may panibago na naman siyang hugot sa pelikulang Last Night na pinagbibidahan nina Papa P (Piolo Pascual) at Toni Gonzaga.

Mensahe raw niya sa pelikula ay not to lose hope.

Aniya sa isang interbyu: “Ako personally hindi totoo ang konsepto ng wala ng pag-asa for me.‘Yun ang gusto naming… ako personally, na gusto kong ma-realize ng mga tao na hindi totoo ‘yun. May pag-asa.”

Katuwang ni Bea na nag-conceptualize ng Piolo-Toni movie ang ex-boyfriend na si Neil Arce. Si Bea rin ang nagsulat ng screenplay.

Walang masamang tinapay para sa dating magkasintahan, Nagkahiwalay man sila ay nanatili naman silang magkaibigan. Kaya pagdating sa business ay intact ang relationship nila.

“I guess ‘yun I am very fortunate because he is also a very mature person and I guess you have to prioritize kasi what’s important in your life. And you already lose something, why lose more? This is a work opportunity we can both go from so ‘yun I guess we decided to choose to work together para mag-work ‘to kasi sayang ‘yung concept eh,” saad ng aktres.

First writing project ni Bea ang Last Night. “In-approve na nila so parang imposible rin naman na bigla akong magba-backout and it is such a big opportunity. Thank you to Star Cinema for giving me such a big break. My first writing project napunta agad sa kanila so I’m very thankful,” aniya.

Ayon pa sa actress masusundan pa rin ang pakikipagtrabaho niya sa Star Cinema kasama ang ex-boyfriend.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here