‘Berdugo ng Bulacan,’ patay sa ambush sa Calumpit

3
2208

CALUMPIT, Bulacan- Tadtad ng tama ng bala ng baril ang hepe ng Bulacan Provincial Security Unit at head ng Bulacan Provincial Jail Management Office matapos na ito ay tambangan ng riding in tandem assassin sa Brgy. Iba Este, Bagbag sa nasabing bayan Miyerkules ng hapon.

Kinilala ang napatay na biktima na si retired Col. Fernando Villanueva, 61 anyos, ng San Fernando, Pampanga.

Kinilalang siyang “Berdugo ng Bulacan” dahil sa mga napatay niyang miyembro ng New People’s Army nung siya ay official pa ng PNP.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas 5:30 ng hapon habang papauwi na ang biktima ng tambangan ng dalawang di pa nakikilalang salarin na sakay ng motorsiklo sa hangganan ng tulay ng Brgy. Bagbag.

Sakay ng kanyang kulay itim na Mitsubishi Estrada nang pinaulanan ng bala ng Cal. 45 ang sasakyan ng biktima.

Nagawa pang makalabas ng sasakyan ng biktima subalit hinabol siya ng mga suspek at ng makorner ay doon na siya binanatan.

Dead on the spot ang biktima dahil sa tama ng bala sa biba’t-ibang parte ng katawan.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sa di pa mabatid na direksyon.

Si Villanueva ay dating Provincial Director ng Bulacan PNP at ngayon ay nanunungkulan bilang chief ng Bulacan Provincial Security at head ng Provincial Jail management office. (RONDA BALITA Online) 

3 COMMENTS

  1. Can I make a comment? Kanina po ito nangyari, hindi kahapon. Wala din pong Brgy. Bag2. Bag2 po iyong tawag sa kanto at bridge. I’m from the place po. Please correct po to avoid misleading the readers. Thanks!

  2. This is a comment sa news na pinasukan na nmn ng pulitika ang private project. I am referring to the bulakan airport project . Bakit po ang inapoint na head ng airport committe hindi taga bulakan bulacan. The project location is in bulakan but the head of the airport committee is from Pandi .wala bang qualified sa bulakan? The development of the airport will have a spill-over effect in the adjoining LGUs. Duon sila magfocus how they will manage the potential benefits. Sa mga politico LEAVE BULAKAN ALONE. Let us manage our own affairs. Di po namin kau kailangan dito. Pasensya na po.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here