Home National News Bike rider sinuwag ng jeep dedbol sa Batangas

Bike rider sinuwag ng jeep dedbol sa Batangas

487
0
SHARE

SAN PASCUAL, Batangas — Patay ang ang isang lalaking sakay ng isang bisekleta matapos araruhin ng rumaragasang pampasaherong jeepney sa Brgy. Poblacion sa nabanggit na bayan Huwebes bandang alas-5:30 ng umaga.

Ang biktima ay nakilalang si Diogracias Macatangay Jr.,nasa hustong gulang at kinilala naman ang suspek na driver na si Fernando Silverio.

Base sa inisyal na report ng San Pascual PNP kasalukuyang sakay ng kanyang bisekleta si Macatangay sa kahabaan ng National Road ng mahagip ng minamanehong jeep na may plaka na DXK397 na tumilapon bago bumagsak sa lupa dahil sa lakas ng pagsalpok dito.

Mabilis na naisugod sa isang ospital ang biktima subalit idineklarang dead on arrival ng mga rumespondeng mga doktor. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articlePondo ng SSS, sapat hanggang 2032 — Dooc
Next articleROTARUN 2018 ng Rotary Club of SJDM Central, tagumpay
THE author is a broadcaster and a writer at the same time-based in the province of Batangas. Started as DZRH Operation Tulong until he became a broadcaster/commentator of DZRJ 810 Voice of the Philippines and MCVO News FM. A columnist and reporter of different national and provincial newspapers such as People’s Bulletin, Police Files Tonite, and Latigo. He is also a member of National Press Club of the Philippines.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here