Home National News Biktima ng dengue sa Ilocos Sur, umabot na sa 2,524

Biktima ng dengue sa Ilocos Sur, umabot na sa 2,524

43
0
SHARE

CANDON CITY — Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga biktima ng dengue sa lalawigan ng Ilocos Sur.

Ito ay kinumpirma mismo ni Ilocos Sur Provincial Health Officer Dra. Carmeliza Singson.

Ayon kay Singson, mula Enero hanggang August 18, 2019 ay umabot na sa 2,524 ang nai-record na dengue cases sa naturang probinsiya.

Nabatid na pito na dito ang namatay. Dalawa mula sa bayan ng Magsingal habang tig-iisa ang mga bayan ng Caoayan, Del Pilar, at Sta. Cruz, at pati rin ang lungsod ng Candon at Vigan.

Nangunguna pa rin sa listahan ng may pinakaramaraming dengue victims ang bayan ng Sta. Cruz na may record na 397.

Pumapangalawa dito ang Candon City na may record na 240.
Ang bayan ng San Juan naman ay may 189 na kaso ng dengue; 184 sa Vigan City; 166 sa Sto. Domingo; 157 sa Magsingal; 133 sa Cabugao; 129 sa Tagudin; 107 sa Sinait; at 104 sa Sta. Lucia.

Ipinapayo ni Singson na dapat kapag may miyembro ng pamilya na nilalagnat lalo na kung ito ay bata ay dalhin kaagad sa doktor para matingnan at maobserbahan bago maging huli ang lahat.

Sinabi rin ni Singson na mas paiigtingin pa ng Ilocos Sur Provincial Health Office ang kanilang information dissemination tungkol sa 4S ng Department of Health.

Ang 4S ay ang Search and Destroy, Self-protection measures, Seek early consultation, at Say No to indiscriminate fogging. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articlePulis namaril sa kasalan; 1 patay, groom sugatan
Next articleLalaki, arestado sa shabu sa Candon City
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here