Home National News Biktima ng pamamalo sa ulo sa Ilocos Sur, patay na; 2 suspek,...

Biktima ng pamamalo sa ulo sa Ilocos Sur, patay na; 2 suspek, tukoy na ng PNP

28
0
SHARE

ILOCOS SUR — Tukoy na ng Santa-PNP kung sino ang dapat na panagutin sa naganap na ‘mauling incident’ sa Santa, Ilocos Sur noong July 7, 2019.

Ang dalawang suspek ay pinangalanan na ng Santa-PNP kahapon na sina Rollie John Bista Bringas, 19 anyos, binata, nakatira sa Brgy. Quezon District ng naturang bayan at si Harvee Sedantes, 21 anyos, binata, na nakatira naman sa Brgy. Pasungol, Santa.

Ayon sa Santa-PNP, ang dalawang suspek ay itinuro mismo ng isang witness na nakakita sa pangyayari.

Nabatid na bago ang insidente, ang biktimang si Kristan Racca Pancho, 14 anyos, ng Brgy. Marcos District, Santa ay madalas umanong bina-bully ng mga suspek. Inuutusan umano nila ito at kung minsan ay binabatukan pa ang biktima.

Matatandaan na noong madaling araw ng Linggo, July 7, 2019, ang biktima kasama ang kaibigan niyang hindi pinangalanan ay naglalakad ng mga oras na iyon nang lapitan ng mga nakamotorsiklong suspek at agad na pinalo sa batok ang biktima gamit ang isang matigas na kahoy.

Ang biktima ay nawalan ng malay at matapos ang insidente ay agad na itinakbo sa Metro Vigan Cooperative Hospital kung saan ay co-matose siya nang mahigit 24 oras sa ICU ng naturang hospital hanggang sa bawian siya ng buhay bandang 5:30 P.M. kahapon.

Positibong itinuro ng witness ang dalawang suspek dahil nakilala niya ang mga ito nang mangyari ang insidente at nakita rin niya maging ang motorsiklong ginamit ng mga ito.

Kasong murder ang isasampa ng Santa-PNP laban sa dalawang suspek. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleAngat Dam’s water elevation has again fallen below its critical level
Next articleTricycle driver pinagbabaril sa Abra, patay!
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here