Bilang ng COVID-19 cases sa Central Luzon umabot na sa 544

0
1743

CITY OF MALOLOS, Bulacan — Nangunguna ang lalawigan ng Bulacan sa buong Central Luzon na may mga kaso ng nakamamatay na virus sa kasalukuyan, ang COVID-19.

Ito ang naging ulat ng Department of Health (DOH) nitong Friday (May 22).

Ayon sa ahensya, mula sa bilang na 544 cases, 162 dito ay kasalukuyang na sa mga hospital, 117 ang isinailalim sa home quarantine habang 206 ang mga narekober.

Ang Bulacan ang nangunguna sa naturang rehiyon na may coronavirus disease (Covid-19) sa bilang na 144 positive Covid-19 cases, na sinundan na Pampanga na may 95 positive cases, 11 deaths, and 35 recoveries.

Ang Nueva Ecija na may 53 positive cases at Tarlac na may kabuuang bilang na 36 at Zambales, 33 positive cases.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here