Bilang ng naka-recover sa COVID-19 sa Bulacan, pumalo na sa 600

0
436

CITY OF MALOLOS, Bulacan — Umabot na sa 600 ang bilang ng mga gumaling sa sakit na coronavirus dito sa nasabing lalawigan.

Mula sa bilang na 600 recovered patients, 40 dito ang bagong naitala ng Bulacan Provincial Health Office.

Base sa huling datos ng PHO ng Bulacan (Saturday, August 8) nadagdagan ng 34 ang bilang ng mga nag-positibo sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa kabuuang bilang na 1699.

Mula sa naturang bilang ng confirmed cases ng COVID-19, ang nasa active case dito ay 1,047 kung saan 22 at fresh cases at 12 ang late cases.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay umabot sa pangkahalatang bilang na 52.

Nagmula ang mga naka-recover sa nasabing nakamamatay na sakit sa mga bayan ng Marilao na may 26 recovered cases, Plaridel na may 13 at Bulakan na may isang kaso.

Base naman sa datos ng PHO nitong Sabado ng hapon (Aug. 8), ang 34
bagong kaso ng COVID-19 ay nagmula sa Lungsod ng Meycauayan, 12 positive cases, Tig-tatatlo sa City of Malolos, Calumpit, Plaridel at San Miguel, ang Balagtas, Marilao at City of San Jose del Monte ay may tigdadalawang kaso at tig-iisang kaso naman sa Baliwag, Bocaue, Guiguinto at Paombong.

Ang mga datos na ito ay mga naisumiteng laboratory results at bineripeka ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU).

Muling ipinaalala sa ating mga kababayan ang palagiang maghugas ng kamay, magsuot ng face mask at face shield at panatilihin ang social distancing sa lahat ng panahon. (RONDA BALITA Online)

Previous articleBulacan Capitol building temporarily close to undergo disinfection
Next articleBata, through SM Foundation, donates shoes for PGH frontliners
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here